Sari saring Kaalaman Sa Pagpapatakbo ng Tindahan

53 %
47 %
Information about Sari saring Kaalaman Sa Pagpapatakbo ng Tindahan
Retail

Published on April 26, 2014

Author: aridarussel

Source: slideshare.net

Description

Sari-Saring Kaalaman sa Pagpapatakbo ng Tindahan (How to Run a Sari-Sari Store Business)

Year 2010 (never been published)

SARI-SARINGKAALAMANRusselC.Arida SARI-SARING KAALAMAN SA PAGPAPATAKBO NG TINDAHAN Ako si Gng. Rosita Tubiera, taga purok 5, Brgy. Talao-talao, Lucena City, kasalukuyang may tindahan ng pasalubong dito sa loob ng Pier. Ako ay may 10 taon na na balo, naitaguyod ko ang aking mga anak kahit wala akong katulong sa buhay. Maraming beses na akong bumagsak sa aking hanap buhay, madami na akong luhang naubos dahil sa mga kabiguan ko sa aking buhay. Subalit nanatili akong matibay, hindi ako nawalan ng pag-asa. Alam ko na hindi ako pababayaan ng Diyos at isa pa na nagpapatibay sa akin ay ang aking mga anak. Mahal ko ang aking mga anak, tatlo silang lahat at may mga asawa at mayroon ako na 3 apo. Ngayong 18 Ng Marso 2010, hinikayat ako ni Mrs. Elma Luna, isang Ginang na may maunlad na negosyo dito sa Purok Dalahican, Lucena City upang umattend sa seminar ng "Hapinoy" . Marami akong natutunan sa kanilang pa seminar upang lalo akong madagdagan ng kaalaman sa pagpapatakbo ng isang Sari-sari Store. Kailangan pala ay determinasyon, disiplina sa paggastos at balanse ang mga perang gagamitin sa negosyo. Kailangan pala ay huwag kang gagastos ng sobra sa tubo ng iyong tindahan, Lalo akong nagkaroon ng pag-asa sa darating na mga araw na gaganda at lalago ang aking negosyo. Makatotohanan ang kanilang mga itinuro at makabuluhan. Sa aking edad na 50 anyos, mas lalo akong lumakas na nag-ibayo ang aking pag-asa na may pagkakataon pa akong umunlad. Lubos po akong nagpapasalamat kay Ginoong Russel Arida, Timothy John Agulto - Facilitator at Training & Expansion Head, kay Gng. Edith Miranda at Nelia Macaraan at muli kay Gng. Elma Luna na siyang humikayat sa akin na umattend ng seminar ng "Hapinoy". Nawa ay tulungan ako ng Diyos na mapa-unland ko pa ang aking buhay. Sa tulong ng mga kaalaman at katalinuhan na natutunan ko sa seminar ng "Hapinoy" at Tribeca Sales Effectiveness Training Center. Gumagalang at nagpapasalamat, Mrs. Rosita Tubiera SARI-SARING KAALAMAN SA PAGPAPATAKBO NG TINDAHAN Author: Russel C. Arida Co-Authors: TJ Agulto Edith Miranda Nelia Macaraan

i SARI-SARING KAALAMAN SA PAMAMAHALA NG TINDAHAN Author: Russel C. Arida Co-Authors: TJ Agulto Edith Miranda Nelia Macaraan

Contents ‎"ang Hapinoy ay nakabase sa iisang simpleng ideya - na ang mga maliliit ay malakas kapag nagsama-sama” - Bam Aquino & Mark Joaquin Ruiz ___________________________________________________________ ANO ANG HAPINOY xi Chapter 1 Dahilan, Puhunan at Kita 1 Chapter 2 Kahalagahan ng SSS 20 Chapter 3 Pagdaloy ng Pera 30 Chapter 4 Pag-aalaga ng mga Suki 40 Chapter 5 Paktura at Tusukan 50 Chapter 6 Pag-aayos ng Tindahan 60 Chapter 7 Pamamahala ng Tindahan 70 Chapter 8 Pagpapalago ng Tindahan 80

HAPINOY ______________________________________ The word Hapinoy is a play on the words Happy and Pinoy, the colloquial word for Filipino. The Hapinoy Store Program focuses on the sari-sari stores in the Philippines (sari-sari is the Filipino word for “many or various kinds”), small neighborhood convenience stores or retail-based outlets that sell various things, mostly basic commodities. These kinds of stores are almost always located within or as an extension of the storeowner’s home. With about 650,000 stores in the country, sari-sari stores make up 30 to 40% of total retail sales in the Philippines. Microventures Incorporated Hapinoy is managed by MicroVentures Incorporated (MVI). MVI aspires to be the leading partners of micro entrepreneurs in the Philippines. In so doing, MVI leverages micro financing as a powerful tool to empower socially and economically challenged families. In 2007, MicroVentures Incorporated launched the Hapinoy Store Program with microfinance borrowers in mind. Upon realizing that 15 to 20% of microfinance borrowers use the capital to put up stores or expand their inventory, the Hapinoy Store Program first focused on aggregating all these sari-sari store owners for bulk product discounts. Please visit www.hapinoy.com for more details.

DAHILAN, PUHUNAN AT KITA CHAPTER 1

Chapter 1 DAHILAN, PUHUNAN AT KITA Meron ba nalugi sa negosyo na Sari-sari Store? Bago natin sagutin kung magkano ang kailangan na Puhunan at Kita at alamin kung meron nga ba na nalugi sa negosyo na Sari-sari store, ay atin munang sagutin ang tanong na ito. Bakit nga ba tayo kailangan na mag-trabaho? Ayon sa mga Nanay na taga Bicol region na nabiyayaan ng CODESPA, AECID at CARD BDS, sila ay nagtatrabaho o nagnenegosyo dahil sa mga sumusunod na dahilan:  Para magkapera  Para makapamuhay ng maayos at marangal  Para makatulong sa pamilya  Para makapagpaaral ng anak  Para sa katuparan ng angarap  Para maging isang prominenteng negosyante.  Para matutong makihalubilo sa tao

DAHILAN, PUHUNAN AT KITA Magkano ba ang kita ng isang pangkaraniwan na manggagawa sa isang buwan? Ano-ano at magkano ang mga gastusin ng isang pangkaraniwan na pamilya? Ang halimbawa ng kita sa taas ay base sa isang empleyado na may buwanang kita. Mapapansin na dahil sa kakulangan ng kita at sa dami o laki ng mga gastusin ay wala nang natitira sa kita at ito ay nagkukulang pa. DAHILAN, PUHUNAN AT KITA Ang mga tao ay dapat nagtatrabaho o nagnenegosyo dahil sa mga sumusunod na dahilan: 1. Mga araw araw na gastusin sa bahay 2. Upang magkaroon ng sariling bahay at lupa 3. Edukasyon para sa mga anak 4. Gastusin kapag ikinasal ang mga anak 5. Retirement fund 6. Emergency funds 7. Hospitalization 8. Disability o kapansanan 9. Burial o last expenses 10. Mga bayarin sa mamanahin na bagay. Dapat daw ang trabaho ay paraan para maging maayos ang kinabukasan ng pamilya, ang trabaho daw ay hindi dapat maging sagabal sa pamilya. P300/dayX26 1Buwan Sweldo 7,800.00 MgaGastos 8,000.00 Pagkain 4,000.00 School(2bata) 2,200.00 Tubig,Ilaw,kuryente 800.00 Ibapa 1,000.00 Natira(ipon) (200.00)

DAHILAN, PUHUNAN AT KITA Paano kumikita ang isang Sari-sari store? Kalimitan na sinasabi ng iang mar-ari ng tindahan ay maliit lamang o “centavo” ang aming kita sa produkto. Ito ba ay tama o mali? Magbigay tayo ng isang halimbawa: Ang isa na kendi Benta = P 1.00 Puhunan = P 0.80 Kita = P 0.20 Maliit nga o “centavo” lamang ang kita ng isang Sari- sari store pero ang kita o tubo ay 20%. Ang karaniwan na Sari-sari Store ay nakakabenta ng P 1,000.00 kada isang araw. Sa ibaba ay makikita ang benta at kita ng isang tindahan araw-araw at kada buwan. Araw Buwan Benta 1,000.00 Puhunan 800.00 Kita 200.00 Buwan 30,000.00 24,000.00 6,000.00 DAHILAN, PUHUNAN AT KITA Magkano ang puhunan para sa isang SSS? Ang susunod ay halimbawa lamang ng kailangan na puhunan para magsimula ng isang tindahan. Meron na mga tindahan na nagsimula sa P 500.00 na puhunan lamang, Karamihan sa nagsimula ng SSS ay ginamit muna ang kanilang “sala” o “kwarto” para gawing tindahan. PANINDA @ P 5,000 @ P 10,000 @ P 20,000 % De lata 1,100 2,200 4,400 22% Candies 600 1,200 2,400 12% Drinks* 1,600 3,200 6,400 32% Food 1,100 2,200 4,400 22% Others 600 1,200 2,400 12% TOTAL 5,000 10,000 20,000 100% PUHUNAN AMOUNT Produkto 5,000 Pagpapagawa 10,000 Permits 5,000 TOTAL 20,000

DAHILAN, PUHUNAN AT KITA Ano-ano ang mga kailangan na permits sa isang SSS? MGA KAILANGAN NA PERMITS 1. DTI Registration 2. Barangay Permit 3. Mayor’s Permit 4. Business Permit 5. Sanitary Permit 6. Fire Safety Inspection Permit 7. BIR Registration BAKIT KAILANGAN ANG MGA PERMITS? 1. Katunayan na sa iyo ang tindahan at negosyo. 2.Para maging “legal” ang iyong tindahan. 3. Kailangan na papeles para makakuha ng loan 4. Kailangan ng mga suppliers para mabigyan ng “credit line” DAHILAN, PUHUNAN AT KITA Kailan mababawi ang puhunan sa SSS? Halimbawa: ang nagastos na puhunan sa isang SSS ay P 20,000.00. Sa benta na P 1,000.00 kada araw ay possible kumita ng P 200.00. Sa loob ng isang buwan ay kaya na kumita ng P 6,000.00. Sa loob ng 4 na buwan ay kayang mabawi ang puhunan na P 20,000.00 kung maayos ang pamamahala ng pagdaloy ng pera. PUHUNAN AMOUNT Produkto 5,000 Pagpapagawa 10,000 Permits 5,000 TOTAL 20,000 1 Araw 1 Buwan ? Buwan Benta 1,000.00 30,000.00 Puhunan 800.00 24,000.00 Kita 200.00 6,000.00 4 Buwan 120,000.00 96,000.00 24,000.00

DAHILAN, PUHUNAN AT KITA Meron ba nalugi sa negosyo na Sari-sari Store? Walang nalugi na Sari-sari store, kalimitan ay “nagamit” ang puhunan at kita sa ibang bagay dahil sa maling pamamahala ng tindahan. Patutuo ni Gng. Nelia Macaraan Hapinoy Community Store Owner Pagbilao, Quezon Nagsimula po ang tindahan ko sa halagang P 500.00 Ang puhunan ko po ay tatlong (3) beses kon pinaikot sa loob ng isang araw. Ang napagbentahan ko sa umaga ay ipinamimili ko kaagad sa tanghali. Ang benta naman sa araw ay ipinamimili ko sa hapon at ang benta ko sa gabi ay ipinamimili ko sa umaga. Nagsimula po ako ng tindahan upang matulungan ko ang aking asawa na isang electrician. Layunin ko pa na matugunan ang mga gastusin sa aming bahay. Sinanay ko po ang aking mga anak na magpaalam kung meron ng mga bagay na kailangan kuhanin sa tindahan. DAHILAN, PUHUNAN AT KITA Magkano ang buwanang kita at gastusin sa inyong tahanan? Suweldo kada buwan: ___________ Mga Gastusin: Pagkain ___________ School ___________ Tubig ___________ Ilaw ___________ Telepono ___________ __________ ___________ __________ ___________ Kabuoang gastusin ___________ Natira o kakulangan ___________ Average na Benta, Puhunan, at Kita ng iyong tindahan. 1 Araw 1 Buwan Benta ________ _________ Puhunan ________ _________ Kita ________ _________ Tandaan: ang Benta ay hindi Kita. Ang Benta ay hindi ginagastos para sa pamilya.

KAHALAGAHAN NG SARI SARI STORE CHAPTER 2

Chapter 2 KAHALAGAHAN NG SSS Ano-ano ang mga Kahalagahan ng Sari-sari Store?  Negosyo  Dagdag na pagkakakitaan  Bilihan  “Convenience o tingi”  Tagpuan  Sentro ng kalakalan

KAHALAGAHAN NG SSS NEGOSYO Ang SSS ay isang lehitimong negosyo na simbolo ng kalakalan sa isang barangay o komyunidad. Karamihan sa mga SSS sa Pilipinas ay minana pa sa kanilang mga magulang. KAHALAGAHAN NG SSS DAGDAG NA PAGKAKAKITAAN Ang SSS ay isang negosyo na kung magiging maayos ang pamamahala ay pwede na maging panggalingan ng tuloy tuloy na pagkakakitaan. Sa isang araw na benta na P 1,000.00 ay kaya na kumita ng P 200.00

KAHALAGAHAN NG SSS BILIHAN Ang SSS ay isang tindahan na pinupuntahan ng mamamayan sa halip na pumunta pa sa kabayanan upang bumili. Ang mga SSS ay kalimitang nilalakad lamang ng mga mamimil mula sa kanilang bahay. KAHALAGAHAN NG SSS “CONVENIENCE” O TINGI Ang SSS ay bilihan ng maliliit na bagay o “ tingi” na hindi pwede bilhin sa malalaki na tindahan. Ito ang dahilan kung kayat marami sa mga produkto ay nasa “sachet”. Ang mga “sachet” ay resulta ng maliit na kita ng mga mamamayan na kalimitan ay sapat lamang para sa isang araw na pangangailangan.

KAHALAGAHAN NG SSS TAGPUAN Ang SSS ay isang lugar na kalimitan ay palatandaan ng barangay o tipanan ng mga tao. Sa SSS, kalimitang nagpupulong ang mga tao tungkol sa mga nangyayari sa kanilang lugar. KAHALAGAHAN NG SSS SENTRO NG KALAKALAN Ang SSS ay nagsilbing “bagsakan” ng mga paninda na naggagaling sa mga maliliit na mangangalakal. Marami nga ang bilang ng mga SSS, pero ito ay magastos para puntahan lahat ng mga kumpanaya para dalhan ng kanilang mga produkto.

KAHALAGAHAN NG SSS Ang kagalagahan ng SSS sa ekonomiya ng Pilipinas. Ang mga SSS na nakakabenta ng P 1,000.00 kada araw, na may bilang na 650,000 sa buong Pilipinas ay nakakapagbigay sa bayan ng P 334B annual na sales revenue. Gaano ito kalaki? Ang San Miguel Corp. Noong 2008 ay meron na benta na P 168B. KAHALAGAHAN NG SSS Gaano karami ang SSS sa buong Pilipinas? Ang Pilipinas ayon sa “census “ noong 2008 ay meron na 650,000 na nakarehistro na SSS. Ang bawat isa ay nakakabenta ng P 1,000.00 kada araw. North 160,000 GMA 100,000 South 140,000 Min 130,000 Vis 120,000 SSS Annual Sales P 334B Daily Sales P 1,000.00 Total Stores 650,000

KAHALAGAHAN NG SSS Patutuo ni Gng. Edith Miranda Hapinoy Community Store Owner Pagbilao, Quezon Simula po nang magtayo ako ng tindahan sa aming lugar, marami po ang natuwa na mamimili dahil hindi na nila kailangan na pumunta pa sa bayan upang mamili ng mga bagay na kakaunti lamang. Nang lumaki na po ang aming tindahan ay pinupuntahan na po ako ng mga ahente at mga mangangalakal kagaya po ng mga softdrinks, tinapay at marami pang iba. Natuto po din ako na sumali sa mga direct selling company at marami po din akong mga Nanay na naisali at natulungan ng madagdagan ang kanilang kita. Ang Sari-sari Store po ay isang marangal na negosyo na malaki ang naitutulong sa mga mamamayan at sa pamilya. KAHALAGAHAN NG SSS Kung wala na Sari-sari Store sa inyong lugar, alamin kung saan ang malapit ninyo na bilihan, gaano kalayo at magkano ang pamasahe para makarating doon. Lugar Gaano Kalayo Pamasahe ___________ ________________ _____________ ___________ ________________ _____________ ___________ ________________ _____________ ___________ ________________ _____________ ___________ ________________ _____________

PAGDALOY NG PERA CHAPTER 3

Chapter 3 PAGDALOY NG PERA 1. Saan ko gagamitin ang kita sa tindahan? 2. Magkano ang ilalaan na budget sa mga gastusin? 3. Alin sa mga bayarin sa bahay ang dapat sagutin ng tindahan?

PAGDALOY NG PERA MGA DAPAT PAGGAMITAN NG KITA  Baon ng mga bata sa school.  Gastusin sa tindahan gaya ng pamasahe at permits.  Bayarin sa bahay gaya ng tubig, telepono at ilaw.  Pambayad sa mga utang.  Natira na idadagdag sa puhunan PAGDALOY NG PERA BENTA = PUHUNAN + KITA BENTA Ang benta ay galing sa pinagbilihan ng mga produkto. Ito ay nahahati sa dalawa: ang Puhunan at ang Kita. PUHUNAN Ang Puhunan ay ang pera na ipinambili ng mga paninda. Ito ay dapat itinatabi. Ito ay pwede lamang gamitin upang ipambili ng mga paninda. Kapag ito ay ginamit sa ibang bagay, ay mawawalan ng pambili na mga produkto. KITA Ang kita ay ang natira kapag ibinawas ang Puhunan mula sa Benta. Dapat ay maging maayos ang paggagamitan nito.

PAGDALOY NG PERA Ang P 200.00 na kIta sa isang araw ay dapat maging ayos ang daloy ng pupuntahan. Ang P 200.00 sa loob ng isang buwan ay magiging P 6,000.00, ito ay malaking halaga para makatulong sa mga gastusin sa bahay, gaya ng inilarawan sa taas. PAGDALOY NG PERA Sa puhunan na P 800.00 ay bebenta ng P 1,000.00 at kikita ng P 200.00 Siguraduhin na ang puhunan ay hindi nagagalaw, gumamit ng sobre sa pag-gawa ng “bugdet” kada gastusin BENTA P 1000 KITA P200 PUHUNAN P 800 School P 80.00 Bills P 30.00 Dagdag puhunan P 30.00 Puhunan P 800.00 Utang P 20.00 Gastos sa Tindahan P 40.00 ITEMS Daily Monthly Benta-1araw 1,000 30,000.00 Puhunan 800 24,000.00 Kita 200 6,000.00 School 80 2,400.00 Tindahan 40 1,200.00 Bills 30 900.00 Utang 20 600.00 Dagdagpuhunan 30 900.00

PAGDALOY NG PERA GAANO KABILIS MAUBOS ANG PUHUNAN SA MALI NA PAGDALOY NG PERA. Ayon sa Chapter 1, ang puhunan daw na P 20,000.00 ay kaya na mabawi sa loob ng apat (4) na buwan kung maayos ang pagdaloy ng pera. Ang puhunan naman na P 5,000.00 ay mauuubos lamang sa loob ng sampu (10) na araw kung P 500 kada araw ang kinukuha. PAGDALOY NG PERA MALI AT TAMA NA PAGDALOY NG PERA Kapag tama ang kinuha na Kita nang SSS ay magiging sapat ang puhunan upang ipamili ng mga paninda. Kapag sobra ang kinuha na kita, at pati ang puhunan ay nabawasan, ito ang magiging dahilan para unti- unting lumiit ang benta hangang maubos ang paninda. BENTA MALI ??? KINUHA NA KITA PUHUNAN BENTA KINUHA NA KITA PUHUNAN BENTA KINUHA NA KITA PUHUNAN TAMA PUHUNAN P 5,000 KINUKUHA P 500 Ilang araw bago maubos ang puhunan na P 5,000.00?

PAGDALOY NG PERA ANO ANG EPEKTO NG KITA NG TINDAHAN SA PAMILYA Malaki ang epekto ng kita ng tindahan sa pangangailangan ng isang pamilya. Masasagot nito ang marami na mga gastusin. Ito ay mangyayari lamang kung tama ang pamamahala ng pagdaloy ng pera. PAGDALOY NG PERA Patutuo ni Gng. Edith Miranda Hapinoy Community Store Owner Candelaria, Quezon Kailangan natin ng pera sa araw araw, Ang pera ng tindahan ay hindi solusyon sa lahat ng ating pangangailangan. Kung lahat ng perang yan ay ating kukunin, hindi magtatagal ay mauubos din. Hindi lahat ng gastusin ay sasagutin ng pera ng tindahan. dapat i-budget at kita lamang ang bawasan para maiwasan ang pag kalugi ng tindahan. P300/dayX26 1Buwan Sweldo 7,800.00 MgaGastos 8,000.00 Pagkain 4,000.00 School(2bata) 2,200.00 Tubig,Ilaw,kuryente 800.00 Ibapa 1,000.00 Natira(ipon) (200.00) ITEMS Monthly Benta-1araw 30,000.00 Puhunan 24,000.00 Kita 6,000.00 School 2,400.00 Tindahan 1,200.00 Bills 900.00 Utang 600.00 Dagdagpuhunan 900.00

PAGDALOY NG PERA Alamin kung magkano ang benta at kita ng inyong tindahan para malaman kung paano ang tama na pagdaloy ng inyong pera. 1 Araw 1 Buwan BENTA _____________ _____________ KITA (20%) _____________ _____________ PUHUNAN _____________ _____________ SCHOOL _____________ _____________ TINDAHAN _____________ _____________ BILLS _____________ _____________ UTANG _____________ _____________ DAGDAG PUHUNAN _____________ _____________ Magkano ang dapat na matira na pera (savings) kapag pinagsama ang sweldo at ang kita sa tindahan? _______________. PAGDALOY NG PERA Kupyahin ang inyong isinulat sa Chapter 1. Magkano ang buwanang kita at gastusin sa inyong tahanan? Suweldo kada buwan: ___________ Mga Gastusin: Pagkain ___________ School ___________ Tubig ___________ Ilaw ___________ Telepono ___________ __________ ___________ __________ ___________ Kabuoang gastusin ___________ Natira o kakulangan ___________

PAG-AALAGA NG MGA SUKI CHAPTER 4

Chapter 4 PAG-AALAGA NG SUKI “Suki bili na!” Suki ang kalimitang tawag ng mga tindera sa mga mamimili. Kapag ang mamamimili ay “suki”, ito ay binibigyan ng mababa na presyo. Karamihan ng matatagal na mamimili sa isang tindahan ay meron mas mababa na presyo na nakukuha. Ano ano ang mga gusto ng “suki”?  Libre o “free”  Mura o “discount”  Kumpleto ng paninda  Maayos na sebisyo  Atensyon sa mga pangangailangan  Nakakautang

PAG-AALAGA NG SUKI Ano-ano ang mga gusto ng “suki”? LIBRE O “FREE” Ang libre o “free” ang pinakagusto nang mga mamimili. Ito din ang dahilan kung bakit ang mga kumpanya na naglalabas ng mga bago produkto ay namimigay ng mga product samples. Ito ay pwede na:  Patikim kung pagkain o inumin  Libre kapag meron binili na ibang bagay  Regalo bilang isang suki (halimbawa ay kalendaryo) PAG-AALAGA NG SUKI Ano-ano ang mga gusto ng “suki”? MURA O “SALE” Kapag ang presyo mo ng produkto ay mas mura o “sale” kumpara sa mga ibang tindahan, ikaw ay laging pupuntahan ng mamimili kahit sila ay malayo. Hindi dapat sa lahat ng oras o lahat ng paninda mo ay mura ang iyong presyo dahil liliit ang iyong kita. Ginagawa lamang na mura ang presyo sa mga pagkakataon na:  Mahina ang benta Araw ng sweldo o 15 /30 ng buwan  Tuwing meron na okasyon.  Bagong bukas ang tindahan.

PAG-AALAGA NG SUKI Ano-ano ang mga gusto ng “suki”? MAAYOS NA SERBISYO Ang maayos na serbisyo na ipinakikita sa isang mamimili ay dapat ibigay sa lahat ng mamimili. Mga halimbawa:  Libre na delivery sa mga madami na pinamili.  Pagbebenta kahit maliit lamang ang binibili kagaya ng kendi.  Pagsusukli o pagpapalit ng malalaking halaga ng pera kahit umaga pa lamang. PAG-AALAGA NG SUKI Ano-ano ang mga gusto ng “suki”? KUMPLETO Inaasahan ng mga mamimili na ang mga pangunahin na pangangailangan na bilihin ng bawat miyembro ng pamilya ay mabibili sa inyong tindahan. Karamihan ng mga pangunahin na bilihan ay para sa:  pagkain  pag-aaral  “cellphone load” Dapat ilista ang mga bagay na hinahanap ng mamimili na hindi mabibili sa iyong tindahan.

PAG-AALAGA NG SUKI Ano-ano ang mga gusto ng “suki”? NAKAKAUTANG Ang pagpapautang ang pinaka importante sa pag-aalaga ng mamimili. Karamihan sa mga Pilipino ay ayaw tawagin na madamot kayat madami sa atin ang nagpapautang at nangungutang. Ang mamimili ay nangungutang dahil:  Kulang ang dala na pera.  Ginagamit ang binibili sa negosyo o tindahan dahil sa kakulangan ng puhunan.  Meron inaasahan na pambayad. PAG-AALAGA NG SUKI Ano-ano ang mga gusto ng “suki”? ATENSYON Mahalaga na laging meron bantay ang inyong tindahan sa lahat ng oras na ito ay bukas. Dapat na malaman ng isang tindahan ang mga pangangailangan ng kanyang mga mamimili kagaya ng:  Mabilis na pag-aasikaso kapag meron bumibili.  Pagbebenta kahit sarado na sa gabi lalo na kung mga gamot ang bibilihin. Iwasan na tawagin ang inyong Sari-sari store na “sara-sara” store.

PAG-AALAGA NG SUKI MGA BALAKID O HADLANG SA PAMAMAHALA NG TINDAHAN Nakaw Ang nakawan o pangungupit na nangyayari sa isang tindahan ay karaniwan na ginagawa ng mga kasama sa bahay. Ang mga ito ay ang iyong mga:  Anak  Kapatid,  Asawa  Kasama sa tindahan Mahalaga na kinakausap sila tungkol dito at binibigyan na lamang sila ng “budget”. PAG-AALAGA NG SUKI MGA BALAKID O HADLANG SA PAMAMAHALA NG TINDAHAN  Nakaw  Mga sakuna  Nagamit  Nauubusan/hindi mabili  Pagpepresyo

PAG-AALAGA NG SUKI MGA BALAKID O HADLANG SA PAMAMAHALA NG TINDAHAN Nagamit Kalimitan, ang pera ng tindahan ay nagagamit sa mga pagkakaton kagaya ng:  Bagong taon, Valentines day  Graduation, Summer outing  Kasalan, Pasukan sa eskwela  Namatayan, Pasko, Binyagan  Birthday at iba pa Kung mapapansin, sa mga pagkakataon din kagaya ng sa taas, lumalakas ang benta ng tindahan. PAG-AALAGA NG SUKI MGA BALAKID O HADLANG SA PAMAMAHALA NG TINDAHAN Mga sakuna Importante na napaghahandaan bago mangyari ang mga sumusunod na sakuna na pwedeng mangyari:  Sunog  Baha  Bagyo Alamin ang mga numero at mga kinauukulan na pwede lapitan sa mga sakuna na ito. Makipag-ugnayan sa malapit na barangay o munisipyo tungkol dito.

PAG-AALAGA NG SUKI MGA BALAKID O HADLANG SA PAMAMAHALA NG TINDAHAN Pagpepresyo Napakahalaga ng tama na paglalagay ng presyo sa mga paninda. Dapat alamin kung magkano ang bentahan ng mga paninda ng ibang tindahan. Mura – posible na marami ka na mga mamimili dahil mura ang iyong presyo pero hindi lamang sa pagiging mura ang paninda dumadami ang mga mamimili. Mahal – kapag mahal ang presyo ng isang paninda, ito ay nagiging panukatan na lahat ng iyong paninda ay mahal. PAG-AALAGA NG SUKI MGA BALAKID O HADLANG SA PAMAMAHALA NG TINDAHAN Naubusan o Hindi mabili Naubusan – kapag tayo ay nauubusan ng mga paninda, ay mapipilitan na bumili sa ibang tindahan nag mga mamimili. Ito ang nagiging dahilan upang makapagkumpara sila ng presyo sa iba. Hindi mabili ang produkto – ito ang nangyayari kapag sobra ang binili natin na mga paninda. Ito ang nagiging dahilan upang mabulok ang mga ito o di kaya ay ibenta natin ng lugi para mabawi lamang ang puhunan. P 15.00 P 10.50

PAG-AALAGA NG SUKI MGA BALAKID O HADLANG SA PAMAMAHALA NG TINDAHAN Pagpapautang Ang pagpapautang ay ang mabilis na paraan para maging mabili ang tindahan, wala nga lamang seguridad kung kailan ka babayaran. Kapag ang mga paninda ay atin na ipinautang, mawawalan tayo ng puhunan na ipangbibili. Karaniwan na mga pinauutang natin ay ang ating mga kamag-anak at kaibigan na kapag ating siningil ay lumalabas na sila pa ang nagagalit.

PAG-AALAGA NG SUKI MGA KATANGIAN NG PWEDE NA PAUTANGIN. May trabaho o negosyo Ang tao na may trabaho ay may kakayanan na bumayad ng utang dahil siya ay may pinagkakakitaan. Matagal na Suki Ang matagal mo na mamimili at maituturing mo na Suki. Pwede mo itong pautangin sa ilang pagkakataon lamang. PAG-AALAGA NG SUKI MGA KATANGIAN NG PWEDE NA PAUTANGIN.  May trabaho o negosyo.  Matagal na suki.  Natupad sa usapan sa pagbabayad.  Binibisita ang tindahan ng suki.  Walang bisyo.

PAG-AALAGA NG SUKI MGA KATANGIAN NG PWEDE NA PAUTANGIN. Natupad sa usapan sa pagbabayad Dapat nating tandaan ang mga pangako ng mga meron utang kung kailan sila magbabayad. Ang tumutupad sa usapan ay nagpupunta sa araw ng kasunduan meron man pambayad o wala. Binibisita ang tahanan Dapat alam ni isang may ari ng tindahan kung saan nakatira ang mga mamimili niya na meron utang. Ito ay upang malaman ang katayuan ng kanilang pamumuhay para maiwasan ang ano mang problema. PAG-AALAGA NG SUKI MGA KATANGIAN NG PWEDE NA PAUTANGIN. Walang bisyo Ang alak at sigarilyo ay hindi dapat ipanauutang lalo na kung ang nangungutang ay naka-inom na. Ang mga tao na gumagamit nito ay dapat meron kakayahan magbayd ng “cash”. Alalahanin na bawal magbenta ng alak at sigarilyo sa mga menor de edad.

PAG-AALAGA NG SUKI PWEDE MO BA PAUTANGIN O HINDI? Fiesta sa inyong barrio. Sa gabi ng kaarawan, umuutang ang iyong kumpare ng 1 case na beer dahil dumating si Mayor. Babayaran din daw kinabukasan. Pwede mo ba pautangin? OO o HINDI? Sagot : ___________ PAG-AALAGA NG SUKI PWEDE MO BA PAUTANGIN O HINDI? Umuutang ng 1 kilo na bigas, 1 sardinas, at 1 noodles ang isang bata na inutusan ng isang Ina na hindi mo masyado kilala. Pwede mo ba pautangin? OO o HINDI? Sagot : ___________

PAG-AALAGA NG SUKI PWEDE MO BA PAUTANGIN O HINDI? Araw ng sweldo ngayon pero hindi nakabayad ang iyong suki na Teacher ng utang nya sa loob ng 2 Linggo dahil meron daw siya binayaran, umuutang uli sa iyo at sa katapusan daw babayaran. Pwede mo ba pautangin? OO o HINDI? Sagot : ___________ PAG-AALAGA NG SUKI PWEDE MO BA PAUTANGIN O HINDI? Nabalitaan mo na nawalan ng trabaho ang isang kapit -bahay mo. May utang sya na P 1,000, isang buwan na ang nakalipas. Nautang ng bigas at tuyo para meron sila mahapunan. Pwede mo ba pautangin? OO o HINDI? Sagot : ___________ 48

PAG-AALAGA NG SUKI PWEDE MO BA PAUTANGIN O HINDI? Mahaba na ang listahan ng kapatid mo sa iyo, nautang sa iyo ng pera pambayad sa school. Pwede mo ba pautangin? OO o HINDI? Sagot : ___________ PAG-AALAGA NG SUKI Patutuo ni Gng. Edith Miranda Hapinoy Community Store Owner Candelaria, Quezon Hindi po lahat ng aking paninda ay mura. Marami akong suki na pabalik-balik na namimili sa aking tindahan. Ang dahilan po nito ay ang aking malawak na pang-unawa at pagmamahal sa kanila. Ibinibigay ko po ang mga promo na dapat ay sa kanila. Hindi ko man po sila pinapautang ay nananatili ko silang mga suki at itinuturing ko silang mga kaibigan.

PAKTURA AT TUSUKAN CHAPTER 5

Chapter 5 INVENTORY MANAGEMENT “Gaano kadami ang aking bibilhin?” Ito ang kalimitan na tanong ng isang may- ari ng tindahan tuwing siya ay mamimili ng kanyang mga paninda. Ano ang nangyayari tuwing tayo ay mamimili ng mga paninda?  Hinahanap ang dati na resibo.  Nalilimutan ang iba na kailangan na bilihin.  Sobra ang iba na pinamili.  Kulang ang mga pinamili Sa huling Chapter 4 na Pag-aalaga ng suki, walang dapat na pautangin sa mga mamimili.

INVENTORY MANAGEMENT ANO ANG PAKTURA? Ito ay isang papel na naglilista ng mga sumusunod:  Pangalan ng mamimili  Binili na produkto  Petsa ng pamimili  Presyo  Dami ng pinamili  Iba pa na tagubilin Dapat ito ay dalawa (2) na kopya:  Isa para sa mamimili  Isa para sa inyong record Ito ay dapat meron pirma ng mamimili. INVENTORY MANAGEMENT ANO ANG TUSUKAN? Ito ay lagayan ng mga paktura at resibo. Ang mga paktura at resibo na naipon sa loob ng isang araw ay dapat na inilalagay sa bawat folder. Dapat ay meron sarili na folder ang mga paktura na pautang. Ito ay dapat tinitingnan araw-araw. Ang mga folder ay dapat meron pangalan ng mga mamimili at suppliers. Ito ay kalimitang nakaayos na “alphabetical order”.

INVENTORY MANAGEMENT ANO ANG GAMIT NG TUSUKAN AT PAKTURA? Ang Tusukan at Paktura ay ginagamit na batayan kung gaano karami ang dapat na bilang o inventory ng mga produkto. Ito ang basehan ng pag compute ng tamang Inventory Control Objective (ICO). ANO INVENTORY CONTROL OBJECTIVE (ICO) MANAGEMENT?  Paraan para mapalago ng husto ang benta at kita.  Paraan para maiwasan ang maubusan o somubra ang stocks.  Paraan para maging maayos ang daloy ng pera. INVENTORY MANAGEMENT MGA KAILANGAN SA PAGCOMPUTE NG ICO Average na benta ng mga produkto Gaano kadalas magdeliver o mamili ng mga paninda  Weekly  Twice a month  Monthly Inventory ng mga produkto. PAANO MAG COMPUTE NG ICO?  Kung weekly ang delivery ng produkto, ang ICO o dapat na inventory ay two weeks o kalahating buwan  Kung twice a month ang delivery, ang ICO o dapat na inventory ay three weeks.  Kung araw-araw namimili, ang dapat na inventory ay pang dalawa na araw.

INVENTORY MANAGEMENT ICO FORMULA FREQUENCY OF DELIVERY ICO LEVEL Weekly 2 weeks Twice a month 3 weeks Monthly 4 weeks Daily 2 days ORDER = ICO LEVEL – INVENTORY ICO LEVEL = SALES AVERAGE x FREQUENCY OF DELIVERY HALIMBAWA Nakakabenta ka ng 50 itlog sa loob ng isang araw, ikaw ay namimili araw-araw, ilan dapat ang iyong bilihin kung ikaw ay meron pa inventory na 10 itlog. Order = (50 x 2) – 10 = 100 -10 = 90 Itlog INVENTORY MANAGEMENT ICO MANAGEMENT EXRECISE Base sa record ng inyong paktura at tusukan, sa loob ng 3 araw kayo ay nakabenta ng mantika: Lunes = 80 bote Martes = 90 bote Miyerkules = 100 bote Meron pa kayo stocks na 50 bote. Ilan ang dapat bilhin kung araw araw kayo namimili Daily Sales: Lunes = 80 Martes = 90 Miyerkules =100 Daily Average Sales = 90 ICO LEVEL = 2 Days = 2 x 90 = 180 Current Inventory = 50 Order = ICO LEVEL – Inventory = 180 – 50= 130

INVENTORY MANAGEMENT ICO MANAGEMENT EXRECISE Base sa record ng inyong paktura at tusukan, sa loob ng 3 buwan kayo ay nakabenta ng Surf Powder July = 300 sachet Aug = 400 sachet Sept = 500 sachet Meron pa kayo stocks na 120 packs. Ilan ang dapat bilhin kung twice a month kayo namimili. Monthly Sales: July = 300 sachet Aug = 400 sachet Sept = 500 sachet Monthly Average Sales = _____ Weekly Average Sales = _____/4 = _______ ICO LEVEL = 3 Weeks = 3 x _____ = ______ Current Inventory = 120 Order = ICO LEVEL – Invetory = ______ - 120 = ________ INVENTORY MANAGEMENT ICO MANAGEMENT EXRECISE Base sa record ng inyong paktura at tusukan, sa loob ng 3 buwan kayo ay nakabenta ng Nescafe July = 850 packs Aug = 950 packs Sept = 900 packs Meron pa kayo stocks na 150 packs. Ilan ang dapat bilhin kung weekly kayo namimili. Monthly Sales: July = 850 packs Aug = 950 packs Sept = 900 packs Monthly Average Sales = ____ Weekly Average Sales = ____/4 = _____ ICO LEVEL = 2 Weeks = 2 x _____ = ______ Current Inventory = 150 Order = ICO LEVEL – Inventory = _____ – 150 = _____

INVENTORY MANAGEMENT Patutuo ni Gng. Nelia Macaraan Hapinoy Community Store Owner Pagbilao, Quezon Mahalaga po na meron tamang paraan ng pag – order ng mga produkto na kailangan ng tindahan. Ang maayos na record keeping ng mga resibo at pinamili ay nagiging basehan ng tamang bilang na dapat maging inventory ng mga produkto. Ang Sari-sari store po ay isang negosyo na dapat meron ding sistema sa pamamalakad.

PAG-AAYOS NG TINDAHAN CHAPTER 6

Chapter 6 PAG-AAYOS NG TINDAHAN “Paano ko aayusin ang tindahan?” Ang maayos na tindahan ay nakakatulong para lalong maging malakas ang benta. Ano ang mga panuntunan sa pag-aayos ng tindahan?

PAG-AAYOS NG TINDAHAN MGA PANUNTUNAN - NAKIKITA Mas mabili ang produkto kapag laging nakikita. Halimbawa, sa umaga at gusto mo na uminom ng kape pero tsokolate lamang ang meron, ano ang posibilidad na tsokolate ang iinumin mo? PAG-AAYOS NG TINDAHAN MGA PANUNTUNAN – KANAN VS. KALIWA Mas marami sa mamimili ang kanan ang ginagamit na kamay kaysa kaliwa. Ang mamimili ay mas nagtuturo ng produkto na bibilihin kung nakalagay sa kanan. Mas mabili ang produkto kung sa kanan nakalagay. Narinig = 5% Natikman Nahawakan Naamoy = 10% Nakikita = 85%

PAG-AAYOS NG TINDAHAN MGA PANUNTUNAN – SHELF MANAGEMENT Mas mabibibili ang mga produkto kapag Nasa gitna ng “eye” at “arm” level. Ito ay dahil mas nakikita sila at mas madalina ituro o abutin. Ang lagayan ng kendi ay ka-level ng mga bata. PAG-AAYOS NG TINDAHAN MGA PANUNTUNAN – FACING Mas malaki ang benta ng produkto kung mas marami ang display. Dapat mas marami ang display ng mga produkto na mas malaki ang kita. 62% 90% 100% 50% 25% 100% 123% 140% 154% 161% # OF FACINGSALES

PAG-AAYOS NG TINDAHAN ANG DAPAT NA AYOS NG TINDAHAN PAG-AAYOS NG TINDAHAN ANG DAPAT NA AYOS NG TINDAHAN Saan dapat ilagay ang mga sumusunod na produkto sa inyong tindahan?  Candies at sitsirya  De lata, juices atbp na produkto na nasa kahon o bote.  Bigas, asukal, mantika, sibuyas, bawang, asin, itlog, atbp na basic commodities  Cafe, gatas, chocolate na nasa “sachet”  Sabon, toothpaste, shampoo na nasa sachet

PAG-AAYOS NG TINDAHAN ANG DAPAT NA AYOS NG TINDAHAN Ang mga candies at sitsiria ay dapat sa ibaba na bahagi ng tindahan para madaling makita at ituro ng mga bata. PAG-AAYOS NG TINDAHAN ANG DAPAT NA AYOS NG TINDAHAN Ang mga branded na products kagaya ng mga de lata, juices, sabon, ay dapat nasa kanan na bahagi para madali makita.

PAG-AAYOS NG TINDAHAN ANG DAPAT NA AYOS NG TINDAHAN Ang mga basic commodities kagaya ng bigas, asukal, asin, sibuyas, bawang, itlog, at iba pa ay sa kaliwang bahagi ng tindahan. Ito ay hinahanap ng mga tao kahit walang “brand name”. PAG-AAYOS NG TINDAHAN ANG DAPAT NA AYOS NG TINDAHAN Ang mga cafe, gatas, powder juices na nasa sachet ay dapat nasa taas na kaliwang bahagi katapat ng mga basic commodities para kahit mabutas ay hindi makasama.

PAG-AAYOS NG TINDAHAN ANG DAPAT NA AYOS NG TINDAHAN Ang mga sabon, tooth paste, at shampoo na nasa sachet ay dapat nasa taas na kanan na bahagi. PAG-AAYOS NG TINDAHAN ANG DAPAT NA AYOS NG TINDAHAN Ang mga kumpanya ay nag-aagawan na maging maayos ang kanilang display. Coffee Milk Creamer Shampoo Powder Tooth Sachet Sachet Sachet sachet Soap paste Liquor Cigarettes Rice Sugar Salt Oil Onion Garlic Peper etc. Other Other Other Hapinoy Hapinoy Hapinoy Candies Candies Candies Candies Candies Candies POSTERS Branded Products

PAG-AAYOS NG TINDAHAN ANG DAPAT NA AYOS NG TINDAHAN Patutuo ni Gng. Nelia Macaraan Community Store Owner Pagbilao, Quezon Ang maayos na tindahan ay laging pinupuntahan ng mga mamimili. Natuwa po ang aking mga customer ng baguhin ko ang ayos ng aking tindahan, mas nakikita daw agad nila ang mga produkto na kailangan nila. Meron din pong mga kumpanya na tinutulungan akong ayusin ang kanilang mga produkto sa pamamagitan ng “ Merchandising” Nagkaroon din po ako ng karagdagan na kita sa maayos ng pagdidisplay ng mga produkto ng malalaking company. PAG-AAYOS NG TINDAHAN ANG DAPAT NA AYOS NG TINDAHAN Ano-ano ang mga dapat na ayusin sa tindahan mo? 1. ___________________________________ 2. ___________________________________ 3. ___________________________________ 4. ___________________________________ 5. ___________________________________ 6. ___________________________________ 7. ___________________________________

PAG-AAYOS NG TINDAHAN ANG DAPAT NA AYOS NG TINDAHAN Ano-ano ang mga produkto mo na pareho ang gamit at alin sa kanila ang mas malaki ang iyong kita? 1. _________________ __________________ 2. _________________ __________________ 3. _________________ __________________ 4. _________________ __________________ 5. _________________ __________________ 6. _________________ __________________ 7. _________________ __________________ PAG-AAYOS NG TINDAHAN ANG DAPAT NA AYOS NG TINDAHAN Sino sa mga suppliers mo ang nagbibigay ng libre na produkto o nagbabayad para pagandahin ang display ng kanilang produkto? 1. ___________________________________ 2. ___________________________________ 3. ___________________________________ 4. ___________________________________ 5. ___________________________________ 6. ___________________________________ 7. ___________________________________

PAMAMAHALA NG TINDAHAN CHAPTER 7 1

Chapter 7 PAMAMAHALA NG TINDAHAN “Ako ay tindera lamang sa isang SSS.” Ano ang mga dapat na katangian ng isang namamahala ng tindahan. Ano ang sikreto ng mga matatagumpay sa buhay? Ano ang mga bago na kagamitan na pwede makatulong sa pamamahala ng aking tindahan?

PAMAMAHALA NG TINDAHAN MGA DAPAT NA KATANGIAN NG MAMAMAHALA NG TINDAHAN  Marunong bumasa, sumulat at ng Math  Mabait at Masinop  May kasama sa bahay  Gusto pa matuto  Meron network  May pangarap PAMAMAHALA NG TINDAHAN MGA DAPAT NA KATANGIAN NG MAMAMAHALA NG TINDAHAN Marunong bumasa, sumulat at ng Math. Mahalaga na marunong bumasa at sumulat ng mga resibo, papeles at mga dokumento ang isang may ari ng tindahan upang hindi siya maloko ng mga kanegosyo niya. Importante din na marunong siya ng Mathematics lalo na sa paghawak ng pagdaloy ng pera. Karamihan ng nagiging matagumpay sa negosyo ay magaling sa Math.

PAMAMAHALA NG TINDAHAN MGA DAPAT NA KATANGIAN NG MAMAMAHALA NG TINDAHAN Mabait at Masinop Mabait – likas sa mga Pilipino ang pagiging mabait sa tao. Ito ay Nangangahulugan din na dapat ay laging pasensyoso lalo na sa mga mamimili. Lagi natin na tandaan ank kasabihan na “the customer is always right” Masinop – karaniwan nating naririnig ang salita na “pagyamanin”. Ibig sabihin nito as gawing makabuluhan and isang bagay. Halimbawa ay ang pagtatakal ng asukal sa halip na matulog lamang kapag walang masyadong namimili. PAMAMAHALA NG TINDAHAN MGA DAPAT NA KATANGIAN NG MAMAMAHALA NG TINDAHAN May Kasama sa Bahay Hindi sa lahat ng oras ay kaya ng may-ari ng tindahan na siya ang tatao sa kanyang negosyo. Karamihan sa kanila ay namimili ng mga paninda, nagpupunta sa banko, pumupunta sa mga school activities ng mga anak, at iba pang mga lakarin bilang Ina ng tahanan. Napakahalaga na meron siyang kasama sa bahay na pwede humalili sa kanya sa pamamahala ng tindahan kapag siya ay wala. Dapat ay pwedeng pagkatiwalaan sa pera ang kanyang kasama sa tindahan.

PAMAMAHALA NG TINDAHAN MGA DAPAT NA KATANGIAN NG MAMAMAHALA NG TINDAHAN Gusto pa na matuto. Ang pag-aaral ay dapat na tuloy –tuloy ginagawa ng mga tao na merong negosyo. Ito ay pwedeng sa pagbabasa ng libro, internet, o kaya ay pag attend sa mga seminar. Sa pamamagitan nito ay magkakaroon siya ng panibagong kaalaman sa pagpapatakbo ng negosyo. Ugaliin na laging makipag ugnayan sa mga organisasyon sa inyong lugar upang malaman kung saan pwede umattend ng mga training. PAMAMAHALA NG TINDAHAN MGA DAPAT NA KATANGIAN NG MAMAMAHALA NG TINDAHAN Meron network Ang isang may-ari ng tindahan ay dapat aktibo sa pagsali sa mga organisasyon o networking. Dito siya nakakakuha ng mga bagong kaalaman at makakilala ng mga tao na pwedeng makatulong sa kanya na magkaroon ng bagong negosyo o kaya ay maging customer niya. Ang ibang institution kagaya NG CARD MRI ay nagpapautang at nagbibigay ng libreng training sa mga miyembro.

PAMAMAHALA NG TINDAHAN MGA DAPAT NA KATANGIAN NG MAMAMAHALA NG TINDAHAN May pangarap sa buhay Sa Chapter 1 ay sinagot natin ang tanong na “Bakit nga ba tayo kailangan magtrabaho? Mahalaga na alam natin kung para kanino ang mga pangarap natin sa buhay at kung kailan natin ito gusto mangyari. Ang pangarap para makamit ay dapat simple at nakabase sa ating kakayahan sa pamumuhay. Mas madali na makamtan ang pangarap kapag isinisulat. PAMAMAHALA NG TINDAHAN MGA DAPAT NA KATANGIAN NG MAMAMAHALA NG TINDAHAN Isulat ang mga pangarap sa buhay. Pangarap Kanino Kailan ____________ ________ __________ ____________ ________ __________ ____________ ________ __________ ____________ ________ __________ ____________ ________ __________

PAMAMAHALA NG TINDAHAN ANO ANG SIKRETO NG MGA MATAGUMPAY SA BUHAY? Tingnan ang mga larawan at isipin kung paano sila naging matagumpay. PAMAMAHALA NG TINDAHAN 3 SIMPLE PARAAN NG PAMAMAHALA NG TINDAHAN Ating alamin ang 3 simple paraan para maging maayos ang pamamahala ng tindahan. 1. Monthly Workplan 2. Daily Management System/Alarm 3. To do list / notes Ang 3 sistema na ito ay mapapansin na makikita din sa cellphone, planner at computer.

PAMAMAHALA NG TINDAHAN MONTHLY WORKPLAN Ang Monthly Workplan ay kalendaryo na sinusulatan ng mga sumusunod: 1. Schedule ng mga bayarin 2. Araw ng pamimili 3. Dalaw ng mga ahente sa tidahan 4. Schedule ng mga delivery 5. School activities ng mga anak 6. Meetings, training at seminar 7. Birthdays 8. Weddings 9. Bakasyon 10. Iba pang bagay Ito ay pwede isulat sa cellphone at lagyan ng reminder o alarm. PAMAMAHALA NG TINDAHAN DAILY MANAGEMENT SYSTEM / ALARM Ang Daily Management System ay nahahati sa 3 bagay: Ang “Plan” at “Review” ay pwedeng pagsabayin sa gabi. I set ang daily alarm ng cellphone sa 8:00pm at pangalanan ito na “Plan for tomorrow”. Ang “Do” o ang Pag-gawa ay ang mga ginagawa natin sa araw base sa ating plano. Plan DoReview

PAMAMAHALA NG TINDAHAN TO DO LIST / NOTES Ang To Do List /Notes ang araw- araw na ginagawa sa Daily Management System sa Pagpaplano sa oras na 8:00pm. Maglista ng 3 hangang 5 bagay na importante na gagawin bukas. Ang listahan na ito ang dapat gawin sa “Do” ng Daily Management System. Ang listahan din na ito ang dapat gawin sa “Review” ng Daily Managament System. Ito ay mahalagang paraan para walang makaligtaan na gawain. PAMAMAHALA NG TINDAHAN Patutuo ni Gng. Edith Miranda Community Store Owner Candelaria, Quezon Ako, bilang may ari ng tindahan, ako mismo ang namamahala nito. Hindi ko ginagamit ang pera ng tindahan sa personal na pangangailangan. Napapanatili kong maayos ang takbo nito sa pamamagitan ng pag che-check sa mga produktong malapit nang maubos at malapit nang maexpire. Hinihingi ko sa mga ahente ang mga bagong packaging na nkikita ng mga costumer sa t.v. dino - double check ko ang mga resibo, at chine check ko rin kung tama ang presyo, ganyan ang ginagawa kong pamamahala sa tindahan ko.

PAMAMAHALA NG TINDAHAN GUMAWA NG IYONG WORKPLAN PAMAMAHALA NG TINDAHAN GUMAWA NG TO DO LIST PARA BUKAS 1. ___________________________________ 2. ___________________________________ 3. ___________________________________ 4. ___________________________________ 5. ___________________________________ Mon Tue Wed Thu Fri Sat/ Sun

PAGPAPALAGO NG TINDAHAN CHAPTER 8

Chapter 8 PAGPAPALAGO NG TINDAHAN “Paano lalaki ang kita ko sa SSS.” Narito ang ilang paraan ng pagpapalaki ng benta at kita sa tindahan. 1. Wholesale at Retail pricing 2. Kakaibang produkto 3. Seasonal products 4. Parehong produkto

PAGPAPALAGO NG TINDAHAN WHOLESALE & RETAIL Ang retail ay ang pagbebenta ng mga produkto ng paisa-isa at ang kita dita ay mula 10% hangang 20%. Halimbawa, ang puhunan mo sa isang bagay ay P 10.00, ito ay pwede mo ibenta mula P 11.00 hangang P 12.00. Kapag ang binibili naman ay maramihan o wholesale, ang kita mo dito ay mula 5% hangang 10%. Halimbawa, ang puhunan mo sa isang bagay ay P100.00, ito ay pwede mo ibenta sa maramihan na ang presyo ay P 105.00 hangang P 110.00. PAGPAPALAGO NG TINDAHAN WHOLESALE & RETAIL Mag-isip at isulat ang ilang produkto na binibili sa iyo ng wholesale at retail. Magkano ang presyo mo. Produkto Puhunan Wholesale Retail ________ ________ ________ _______ ________ ________ ________ _______ ________ ________ ________ _______ ________ ________ ________ _______ ________ ________ ________ _______

PAGPAPALAGO NG TINDAHAN KAKAIBANG PRODUKTO Ang pagtitinda na kakaibang produkto na mabibili lamang sa iyong tindahan sa inyong komyunidad ay isang magandang halimbawa ng pagpapalago ng tindahan. Ang mga ito ay kagaya ng processed meat, school materials, load, uling, cube ice, sariwang isda, gulay, at iba pa na ikaw lamang ang nagtitinda. Dapat ay meron kang kinukuhanan ng kakaibang produkto na pwede kang bigyan ng mababang presyo para maging maganda ang kita mo. PAGPAPALAGO NG TINDAHAN KAKAIBANG PRODUKTO Mag-isip at ilista ang mga kakaibang produkto na pwede mong ibenta sa inyong lugar na posible sa iyo lamang bilhin. 1. ___________________________________ 2. ___________________________________ 3. ___________________________________ 4. ___________________________________ 5. ___________________________________

PAGPAPALAGO NG TINDAHAN SEASONAL PRODUCTS Sa Chapter 4 - Mga balakid o hadlang sa pamamahala ng tindahan ay nalaman natin na ang paggamit ng puhunan ng tindahan ay epekto ng mga nangyayari sa isang buwan. Halimbawa nito ay kapag tayo ay meron na mag graduate na anak. Ang pera ng tindahan ay nagagalaw dahil sa mga gastusin sa school. Kung iisipin, kung saang pagkakataon lumalaki ang ating gastusin, ito ay meron kaukulang opportunidad para kumita ang tindahan. Halimbawa nito ay kapag tayo ay nagluto ng spaghetti, gumagamit tayo ng mga produkto na galing sa ating tindahan. PAGPAPALAGO NG TINDAHAN SEASONAL PRODUCTS Buwan ng Abril – summer Sa buwan ng Abril, kalimitan pumapatak ang summer, at dito mapapansin na abala ang mga kumpanya ng softdrinks sa paglalagay ng poster na kanilang produkto. Kapag ang tindahan mo ay meron poster kagaya ng nasa larawan, natural na ikaw ay meron refrigerator, at posible na meron ka tinda na ice, ice candy, ice water at iba pang de-bote na malamig. Posible ka din na magtinda ng halo-halo, at iba pang pamatid uhaw. Ang mga ito naman ay hindi masyado mabili kapag buwan ng Disyembre.

PAGPAPALAGO NG TINDAHAN SEASONAL PRODUCTS Isipin ang mga nangyayari sa isang buwan at ano ang mga produkto na pwedeng ibenta sa ganitong panahon. Buwan Gastusin Pwede ibenta ________ ________ _____________ ________ ________ _____________ ________ ________ _____________ ________ ________ _____________ ________ ________ _____________ PAGPAPALAGO NG TINDAHAN PAREHO NA PRODUKTO Dapat ay maging makwenta tayo sa puhunan, benta at kita. Halimbawa kayo ay nagtitinda ng 2 klase ng sabon na panlaba. Tawagin natin na Bar A at Bar B. Isang bareta ay apat na putol. Bar A Bar B Puhunan P 16/P 4 P 18/P 4.50 Benta P 20/P 5 P 20/P 5.00 Kita P 4.00 P 2.00 Mas mabili ang Bar B. Aling produkto ang dapat mas malaki ang display para lalong maging mas mabili? Aling produkto ang mas iaalok mo sa mga mamimili?

PAGPAPALAGO NG TINDAHAN PAREHO NA PRODUKTO Mag-isip at ilista ang ilang klase na magkapareho na produkto. Produkto A B Puhunan _______ _______ Benta _______ _______ Kita _______ _______ Produkto A B Puhunan _______ _______ Benta _______ _______ Kita _______ _______ PAGPAPALAGO NG TINDAHAN Patutuo ni Gng. Edith Miranda Community Store Owner Pagbilao, Quezon Sinisigurado kong laging bago at malinis ang mga produktong aking itinitinda. Inilalagay ko ang mga produkto sa madaling makita ng mamimili lalo na ang mga produkto na may tatak na buy1 take 1, isa itong pang akit sa mga mamimili. Dinadamihan ko ang display ng mga produkto na gusto kong mabenta agad. Nagdadagdag ako ng mga produktong napapanahon, mura na at dekalidad pa. Nagbibigay ako ng libreng deliver sa mga suki sa loob at labas ng bayan. Dapat makilala ang tindahan sa isang mabiling produkto na tatatak sa iyong pangalan.

About the author Russel C. Arida ___________________________________________________________ Russel came from San Ildefonso, Alaminos, Laguna. His parents were elementary school Prinicipal & Teacher at his home town. He graduated at Mapua Institute of Technology with a degree of B.S. Industrial Engineering. He started as a Merchandiser and eventually became General manager. He has 17 years in experience in corporate life. He conducts Sales & Training Consultancy now. He is planning to write another two books, one is for sales, and the other is for basic entrepreneurship.

SARI-SARINGKAALAMANRusselC.Arida SARI-SARING KAALAMAN SA PAGPAPATAKBO NG TINDAHAN Ako si Gng. Rosita Tubiera, taga purok 5, Brgy. Talao-talao, Lucena City, kasalukuyang may tindahan ng pasalubong dito sa loob ng Pier. Ako ay may 10 taon na na balo, naitaguyod ko ang aking mga anak kahit wala akong katulong sa buhay. Maraming beses na akong bumagsak sa aking hanap buhay, madami na akong luhang naubos dahil sa mga kabiguan ko sa aking buhay. Subalit nanatili akong matibay, hindi ako nawalan ng pag-asa. Alam ko na hindi ako pababayaan ng Diyos at isa pa na nagpapatibay sa akin ay ang aking mga anak. Mahal ko ang aking mga anak, tatlo silang lahat at may mga asawa at mayroon ako na 3 apo. Ngayong 18 Ng Marso 2010, hinikayat ako ni Mrs. Elma Luna, isang Ginang na may maunlad na negosyo dito sa Purok Dalahican, Lucena City upang umattend sa seminar ng "Hapinoy" . Marami akong natutunan sa kanilang pa seminar upang lalo akong madagdagan ng kaalaman sa pagpapatakbo ng isang Sari-sari Store. Kailangan pala ay determinasyon, disiplina sa paggastos at balanse ang mga perang gagamitin sa negosyo. Kailangan pala ay huwag kang gagastos ng sobra sa tubo ng iyong tindahan, Lalo akong nagkaroon ng pag-asa sa darating na mga araw na gaganda at lalago ang aking negosyo. Makatotohanan ang kanilang mga itinuro at makabuluhan. Sa aking edad na 50 anyos, mas lalo akong lumakas na nag-ibayo ang aking pag-asa na may pagkakataon pa akong umunlad. Lubos po akong nagpapasalamat kay Ginoong Russel Arida, Timothy John Agulto - Facilitator at Training & Expansion Head, kay Gng. Edith Miranda at Nelia Macaraan at muli kay Gng. Elma Luna na siyang humikayat sa akin na umattend ng seminar ng "Hapinoy". Nawa ay tulungan ako ng Diyos na mapa-unland ko pa ang aking buhay. Sa tulong ng mga kaalaman at katalinuhan na natutunan ko sa seminar ng "Hapinoy" at Tribeca Sales Effectiveness Training Center. Gumagalang at nagpapasalamat, Mrs. Rosita Tubiera SARI-SARING KAALAMAN SA PAGPAPATAKBO NG TINDAHAN Author: Russel C. Arida Co-Authors: TJ Agulto Edith Miranda Nelia Macaraan

Add a comment

Related presentations

Bennet novembre 2014 (2)

Bennet novembre 2014 (2)

November 9, 2014

Bennet novembre 2014 (2)

Immocoach recommends STRANOS for HOME COLLECTION and LUXURY LINEN. A french brand ...

Software Advice analyzed interactions with thousands of point-of-sale (POS) softwa...

Ponencia realizada para Ziving, retailer especializado en tratamientos dentales pa...

Stocking and tights make the perfect gift. Luxury hosiery brings out the best i...

IperCoop Sicilia novembre 2014 (1)

Related pages

Kartang pambati - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Matatalunton ang kaugalian ng pagpapadala ng mga kartang pambati mga 4,000 taon na ang nakalilipas. Sa Ehipto, ipinagdiriwang ang Bagong Taon sa ...
Read more

Pananaliksik - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

... o paggamit ng mga kaalaman sa pananaliksik na magagamit para sa pagpapaunlad ng ... at ginagamitan ng sari-saring mga pananaw ng mga larangan, ...
Read more

Our Experts - Customized Training Solutions

Our experts serve as ... and author of "Sari-Saring Kaalaman sa Pagpapatakbo ng ... author of "Sari-Saring Kaalaman sa Pagpapatakbo ng Tindahan". ...
Read more

Tumunton ng Landas: Paputok, pastillas, at tinapa: Ang ...

Pero lingid sa kaalaman ng iba, ... Sari-saring mga trahedya ang dinanas ng mga taga ... Taon-taon din na laging nasusunog ang tindahan ng mga paputok.
Read more

-> Tagalog na mga Libro | Literantado

... nagtinda siya sa kaniyang sari-saring tindahan at di ... kaya may kaalaman ... Lasug-lasog ang katawan ng nilalang sa banyo kung saan bumulwak ...
Read more

Dayo

... isang tindahan sa loob ng mall na ... Sa dami ng kamerang naka-display; sari-saring tatak ... tindero ang sapat na kaalaman nya sa kanyang ...
Read more

President Aquino’s speech at the 7th Puregold “Tindahan ni ...

President Aquino’s speech at the 7th Puregold “Tindahan ni Aling Puring Sari ... kaalaman at kakayahan sa ... natin sa pagpapatakbo ng ...
Read more

Mga Prinsipyo ng Kaalaman; Pag-Disenyo ng Sariling ...

MGA PRINSIPYO NG KAALAMAN SA PAGBASA AT ... karatula sa harap ng tindahan, ... upang kilalanin ang sari-saring baytang ng kaalaman na naabot ng mga ...
Read more

Unling saya at ligaya sa TNAP 2015 convention ng Puregold ...

Sari-Saring Chika; Sports Bizz ... installment ng taunang Tindahan Ni ... negosyanteng Pinoy sa pagbigay sa kanila ng karagdagang kaalaman para lalo pa ...
Read more

AMING MGA LAYUNIN SA MARAMIHANG TAON - tcdsb.org

Gagamit ng sari-saring istratehiya sa pagtuturo ... Magtatatag ng may kaalaman, ... Ipantay ang badyet sa pagpapatakbo at kapital sa Multi year ...
Read more