Panitikan

38 %
63 %
Information about Panitikan
Economy & Finance

Published on July 24, 2014

Author: charlie0405

Source: slideshare.net

Description

Do not!!!!!

8 Panitikang Pilipino Filipino Modyul para sa Mag-aaral Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas

Panitikang Pilipino – Ikawalong Baitang Filipino – Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon, 2013 ISBN: 978-971-9990-85-7 Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon. Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsikapang mahanap at mahingi ang pahintulot ng mga may karapatang-ari upang magamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng mga tagapaglathala (publisher) at may-akda ang karapatang-aring iyon . Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Br. Armin A. Luistro FSC P angalawang Kalihim: Yolanda S. Quijano, Ph.D. Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS) Office Address: 2nd Floor Dorm G, Philsports Complex Meralco Avenue, Pasig City Philippines 1600 Telefax: (02) 634-1054 o 634-1072 E-mail Address: imcsetd@yahoo.com

PAUNANG SALITA “Kasabay ng pag-unlad ng bayan ang pag-unlad ng kaniyang mamamayan sa lahat ng aspekto ng buhay.” Tugon sa pag-unlad at pagbabago sa bawat sulok ng mundo ang pagyakap at pakikipagsabayan sa agos na ito ng Panitikang Pilipino. Ang pagpapalit-anyo nito at pagbibihis mula sa makalumang panitikan hanggang sa kasalukuyan upang manapay maipabatid sa karamihan, lalo’t higit sa kabataan ang kayamanang angkin ng Panitikang natatangi, ang Panitikang Pilipino. Alinsunod sa pagbabago ng kurikulum, ang pagbuo ng mga kagamitang panturo at pampagkatuto upang makaagapay sa pagpapalawak ng kaalaman ng mga mag-aaral sa Asignaturang Filipino. Pinaglaanan ng mahuhusay at makabagong pamamaraan upang higit na maiangkop sa uri ng mag-aaral ang mga gawain sa yunit na ito. Naniniwala ang Kagawaran ng Edukasyon na ang mahusay at kalidad na edukasyon ay makakamtan ng bawat isang Pilipinong mag-aaral mula ngayon at sa mga susunod pang henerasyon.

PASASALAMAT Taos-pusong nagpapasalamat ang mga may-akda sa mga manunulatng mga akdang ginamit sa yunit na ito. Hindi matatawaran ang naging ambag ng kanilang mga akdang pampanitikan upang linangin ang pagpapahalaga sa kulturang Pilipino. Hindi rin mapasusubalian ang kabisaan na maidudulot ng mga akda upang higit na mapagtibay ang pagkakakilanlan ng mag-aaral sa kaniyang identidad bilang mamamayang Pilipino. Nais naming magpasalamat sa sumusunod na manunulat. Michael M. Coroza Mahahalagang Tala sa Katutubong Tugma at Sukat ng Tulang Tagalog Lamberto Antonio Kalungkutan sa Tag-ani Virgilio Almario Agahan Edgar Calabia Samar Panaginip Fray Francisco de San Jose Santa Cruz Gaspar Aquino de Belen Ang Mahal na Passion ni Jesu Christong Panginoon Natin Andres Bonifacio Pag-ibig sa Tinubuang Lupa Emilio Jacinto Pahayag Severino Reyes Walang Sugat Genoveva E. Matute Paglalayag sa Puso ng Isang Bata Jose Corazon de Jesus at Florentino Collantes Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan Jose Corazon de Jesus Bayan Ko Alejandro G. Abadilla Ako ang Daigdig Teodoro Gener Pag-ibig Alejandro G. Abadilla Erotika 4 Jose Corazon de Jesus Pag-ibig Narciso G. Reyes Lupang Tinubuan Gonzalo K. Flores Tahimik Dionisio Salazar Sinag sa Karimlan William Rodriguez II Tabloid: Isang Pagsusuri Carlo J. Caparas Mga Klase ng Komiks Jeystine Ellizbeth L. Francia Kislap ng Bituin Lualhati Bautista Bata, Bata ... Paano Ka Ginawa? Jet Oria Gellecanao Pintig, Ligalig, at Daigdig Howie Severino, Sine Totoo, At GMA Network Papag for Sale

Talaan ng Nilalaman ANG PANITIKAN SA PANAHON NG HAPON............................................. 84 Tungkol sa Kuwento...................................................................................... 84 “Lupang Tinubuan” ni Narciso G. Reyes............................................ 85 Tula................................................................................................................ 92 “Tahimik” ni Gonzalo K. Flores........................................................... 92 Ilang Halimbawa ng Haiku.................................................................. 93

56 ANG PANITIKAN SA PANAHON NG HAPON Mga Aralin Maikling Kuwento o Lupang Tinubuan ni Narciso G. Reyes Tula o Tahimik ni Gonzalo K. Flores o Ilang Halimbawa ng Haiku Kaligirang Pangkasaysayan Noong Disyembre 8, 1941, apat na oras pagkatapos bombahin ang Pearl Harbor sa Hawaii, pinasabog din ng mga eroplanong Hapon ang Davao. Sumunod ang Tuguegarao, Baguio, Iba, Tarlac, at Clark Field. Ganoon nagsimula ang marahas na pagpasok ng mga Hapon sa ating bansa upang itatag ang kanilang Greater East Asia Co-prosperity Sphere (Zaide 1956, 338). Sinusugatan ng mga babae ang kanilang mga mukha para hindi maging kaakit-akit sa mga sundalong Hapon (Fernandez 2013). Bayong-bayong na pera ang kailangan para bumili sa palengke dahil sa baba ng halaga ng Mickey Mouse Money. Pagtatanim ng kangkong sa mapuputik na lugar ang nagligtas sa buhay ng libo-libong Pilipino dahil sa hirap ng buhay at kakulangan ng pagkain (Agoncillo 1977, 460). Kaligirang Pampanitikan Ipinalaganap ang kultura at wikang Hapon sa pamamagitan ng mga paaralan at media. At upang mabura ang mga bakas ng Kanluran, sinuportahan din nang husto ang panitikang Tagalog. Iisa na lang ang naiwang pahayagan sa wikang Ingles—ang Tribune. Namayagpag naman ang diyaryong Taliba at ang magasing Liwayway sa tulong ni Kin-ichi Ishikawa, ang pinamahala sa mga palimbagan nito (Pineda et al. 1979, 371). Nabayaran nang maayos ang mga manunulat at kumalat ang kanilang mga akda sa pamamagitan ng Liwayway. Dito lumabas ang mga maikling kuwento at tulang Tagalog na kaestilo ng mga haiku ng Hapon (Agoncillo 1977). May mga kumikilala sa panahong ito bilang Gintong Panahon ng Maikling Kathang Tagalog. Tungkol sa Kuwento Ang susunod na kuwento ay nagkamit ng Unang Gantimpala sa patimpalak sa maikling kuwento ng Liwayway at inilathala sa kalipunang Ang 25 Pinakamabuting Katha ng 1943. Muli itong inilathala nina Abadilla, FB Sebastian, at ADG Mariano sa kalipunang Maikling Kathang Tagalog noong 1954.

57 Gabay sa Pagbabasa Pansinin mo ang pamagat - Lupang Tinubuan. Sa kuwento, dalawa ang tinutukoy nito: 1. Ang Pilipinas. Pinaaalala rin ng pamagat ang pakikipaglaban ng mga bayani para sa bayan. 2. Ang mas tiyak na lugar kung saan lumaki ang isang tao o kung saan nanggaling ang kaniyang pamilya. Habang nagbabasa ka, pansinin mo kung ano-anong detalye sa kuwento ang tungkol sa Pilipinas, at kung ano-ano ang para sa lugar ng pamilya. Gabay Tungo sa Mensahe ng Kuwento Ikaw, saan ka lumaki? Ano ang probinsiya ng nanay mo? Ng tatay mo? Mahalaga ba sa iyo ang mga lugar na ito? Bakit? Ano naman ang kasaysayan ng mga lugar na tinukoy mo? Naging lugar ba sila ng labanan laban sa mang-aapi? Alin-alin? Pinagmulan ba sila ng mga taong namatay nang dahil sa bayan? Sino-sino? Lupang Tinubuan Narciso G. Reyes (1943) 1 Ang tren ay tumulak22 sa gitna ng sali-salimuot na mga ingay. Sigawan ang mga batang nagtitinda ng mga babasahin, Tribune23, mama, Tribune, Taliba? Ubos na po. Liwayway, bagong labas. 2 Alingawngaw ng mga habilinan at pagpapaalam. Huwag mong kalilimutan, Sindo, ang baba mo ay sa Sta. Isabel, tingnan mo ang istasyon. Temiong, huwag mong mabitiw-bitiwan ang supot na iyan. Nagkalat ang mga magnanakaw, mag-ingat ka! Kamusta na lang sa Ka Uweng. Sela, sabihin mong sa Mahal na Araw na kami uuwi. Ang pases24 mo Kiko, baka mawaglit. Maligayang Paglalakbay, Gng. Enriquez. Ngumiti ka naman, Ben, hindi naman ako magtatagal doon at susulat ako araw-araw. Kamusta na lamang. Paalam. Paalam. Hanggang sa muli. Ang tren ay nabuhay at dahan-dahang kumilos. Hs- s-ss.Tsug, tsug, tsug. 3 Naiwan sa likuran nina Danding ang takipsilim ng Tutuban, at sila’y napagitna sa malayang hangin at sa liwanag ng umaga. ______________________________________________________________ 22 tulak—pag-alisngbarko o tren patungo sa pupuntahan 23 Tribune(diyaryongIngles),Taliba (diyaryongTagalog),at Liwayway (magasingpampanitikan)—mga babasahin noongPanahongHapon. 24 pases—Tagalog na ispeling ng passes

58 4 Huminga nang maluwag ang kanyang Tiya Juana at ang sabi, “Salamat at tayo’y nakatulak na rin. Kay init doon sa istasyon.” Ang kanyang Tiyo Goryo ay nakadungaw at nagmamasid sa mga bahay at halaman sa dinaraanan. 5 Ang galaw ng makina ngayon ay mabilis na at tugma-tugma, tila pintig ng isang pusong wala nang alinlangan. Napawing tila ulap sa isip ni Danding ang gulo at ingay ng pag-alis, at gumitaw ang pakay ng kanilang pag-uwi sa Malawig. Nagsasalita na naman ang kanyang Tiya Juana, “Ang namatay ay ang Tata Inong mo, pamangkin ng iyong Lola Asyang at pinsan namin ng iyong ama. Mabait siyang tao noong siya’y nabubuhay pa.” 6 Si Danding ay sinagian ng lungkot, bagama’t hindi niya nakita kailanman ang namatay na kamag-anak. Ang pagkabanggit sa kanyang ama ang tumimo sa ilang bahagi ng kanyang puso, at naglapit sa kanyang damdamin ang hindi kilalang patay. Naalala niya na sa Malawig ipinanganak, lumaki at nagkaisip ang kanyang ama. Bumaling siya sa kanyang Tiya Juana at itinanong kung ano ang anyo ng nayong iyon, kung mayaman o dukha, kung liblib o malapit sa bayan. At samantalang nag-aapuhap sa alaala ang kanyang butihing ale ay nabubuo naman sa isip ni Danding ang isang kaaya-ayang larawan, at umusbong sa kanyang puso ang pambihirang pananabik. 7 Sa unang malas, ang Malawig25 ay walang pagkakaiba sa alinmang nayon sa Kalagitnaang Luzon. Isang daang makitid, paliku-liko, natatalukapan ng makapal at manilaw-nilaw na alikabok. Mga puno ng kawayan, mangga, niyog at akasya. Mga bahay na pawid, luma na ang karamihan at sunog sa araw ang mga dingding at bubong. Pasalit-salit, isang tindahang hindi mapagwari kung tititigan sa malapit. Doon at dito, nasisilip sa kabila ang madalang na hanay ng mga bahay. At sa ibabaw ng lahat, nakangiti at puno ng ningning ng umaga, ang bughaw, maaliwalas at walang ulap na langit. 8 “Walang maganda rito kundi ang langit,” ang sabing pabiro ng kutsero ng karitelang sinasakyan nila. Pinaglalabanan ni Danding ang sulak ng pagkabigo sa kanyang dibdib. “Hindi po naman,” ang marahan niyang tugon. Naisaloob niyang sa mga nayong tulad nito isinilang at nagsilaki sina del Pilar, at iba pang bayani ng lahi, at sa gayong mga bukid nagtining ang diwa ng kabayanihan ng himagsikan laban sa mgaKastila. Ang alaalang iyon ay nakaaaliw sa kanya, nagbigay ng bagong anyo sa lahat ng bagay sa paligid-ligid. 9 Kayrami pala niyang kamag-anak doon. Hindi mapatid-patid angpagpapakilala ng kanyang Tiya Juana. Sila ang iyong Lolo Tasyo, at sila ang iyong Lola Ines. Ang mga pinsan mong Juan, Seling, Marya at ______________________________________________________________ 25 lawig—tagal o haba ng panahon

59 rito, halik ng kamay roon. Mga kamag-anak na malapit at malayo, tunay at hawa lamang, matatanda at mga bata. Ang lahat yata ng tao sa bahay, buhat sa mga nangasapuno ng hagdan hanggang sa nangasaloob ay pawang kamag-anak ni Danding. “Mabuti na lamang at likas na sarat ang ilong ko,” ang naisaloob niya. “Kung hindi ay pulpol na marahil ngayon.” 10 Sapagkat sila lamang ang nagsipanggaling sa Maynila, sa pagtitipong iyon ay napako kina Danding ang pansin ng lahat. Umugong ang kamustahan. Ang balana ay nagtanong kay Danding ng kung ano ang lagay ng kanyang amang may sakit at ng kanyang inang siya na lamang ngayong bumubuhay sa kanilang mag-anak. Sinulyapan ng kanyang Tiya Juana si Danding at sinikap na saluhin ang mga tanong. Bantád na26 siya sa pagkamaramdamin ng kaniyang pamangkin at alam niyang ang kasawian ng ama nito ay talúsalíng27 na sugat sa puso nito. Ngunit hindi niya maunahan ng pagtugon si Danding na tila magaan ngayon ang bibig at palagay na ang loob sa piling ng mga kamag-anak na ngayon lamang nakilala. 11 Isang manipis na dinding ng sawali ang tanging nakapagitan sa bulwagan at sa pinakaloob ng bahay, na siyang kinabuburulan ng patay. At sa bukas ng lagusan, na napapalamutihan sa magkabilang panig ng mga puting kurtinang salo ng pinagbuhol na mga lasong itim, ay walang tigil ang pagyayao’t dito ng mga taong nakikiramay sa mga namatayan at nagmamasid sa bangkay. Ngunit pagpasok na pagpasok ni Danding ay nag-iba ang kanyang pakiramdam. Napawi sa kanyang pandinig ang alingawngaw sa labas, at dumampi sa kanyang puso ang katahimikan ng kamatayan. Dahan-dahan siyang lumapit sa kabaong, at pinagmasdan ang mukha ng bangkay. Maputi, kaaya-aya ang bukas, isang mukhang nagbabandila sa katapatan at kagitingan. Nabakas ni Danding ang lapad ng noo, sa mga matang hindi ganap ang pagkakapikit, at sa hugis ng ilong, ang bahagyang pagkakahawig sa kanyang ama. Bigla siyang nakaramdam ng awa at lungkot. 12 "Hindi mo pa nababati ang Nana Marya mo,” ang marahang paalala ng kanyang Tita Juana. “At ang pinsan mong si Bining,” ang pabulong pang habol. Humalik ng kamay si Danding sa asawa ng yumao, at naupo sa tabi ni Bining, ngunit wala siyang nasabing anuman. Puno ang kanyang puso. Pagkaraan ng ilang sandali ay umabot siya ngisang album sa mesang kalapit, binuksan iyon, at pinagmuni-muni ang mahiwaga at makapangyarihang kaugnayan ng dugo na nagbubuklod ng mga tao. ______________________________________________________________ 26 bantad na—sanay na,sawâ na 27 talusaling o talosaling—labis na maramdamin; balat-sibuyas; sensitibo

60 13 Pagkakain ng tanghalian ay nanaog si Danding at nagtungo sa bukid sa may likuran ng bahay. Nakaraan na ang panahon ng paggapas, at naimandala na ang ani. Malinis ang hubad na lupa, na naglalatang sa init ng araw. Naupo si Danding sa ilalim ng isang pulutong ng mga punong kawayan, at nagmasid sa paligid-ligid. 14 Hindi kalayuan, sa gawing kaliwa niya, ay naroon ang kanyang Lolo Tasyo na nagkakayas ng kawayan. Ang talim ng matanda ay tila hiyas na kumikislap sa araw. Tumindig si Danding at lumapit sa matanda. Si Lolo Tasyo ang unang nagsalita. 15 “Kaparis ka ng iyong ama,” ang wika niya. 16 “Bakit po?” 17 “Balisa ka sa gitna ng karamihan; ibig mo pa ang nag-iisa.” 18 “May mga sandali pong kailangan ng tao ang mapag-isa.” 19 “Ganyan din siya kung magsalita, bata pa’y magulang na ang isip.” 20 “Nasaksihan po ba ninyo ang kanyang kabataan?” 21 “Nasaksihan!” Napahalakhak si Lolo Tasyo. “Ang batang ito! Ako ang nagbaon ng inunan ng ama mo. Ako ang gumawa ng mga una niyang laruan. Naulila agad siya sa ama.” 22 Tumayong bigla si Lolo Tasyo at itinuro ng itak ang hangganan ng bukid. “Doon siya malimit magpalipad ng saranggola noong bata pa siyang munti. Sa kabilang pitak28 siya nahulog sa kalabaw, nang minsang sumama siya sa akin sa pag-araro. Nasaktan siya noon, ang akala ko’y hindi siya titigil sa kaiiyak.” 23 Lumingon ang matanda at tiningala ang punong mangga sa kanilang likuran. “Sa itaas ng punong ito pinaakyat ko at pinagtago ang ama mo isang hapon, noong kainitan ng himagsikan, nang mabalitaang may mga huramentadong29 Kastila na paparito. At doon, sa kinauupuan mo kanina, doon niya isinulat ang kauna-unahan niyang tula—isang maikling papuri sa kagandahan ng isa sa mga dalagang nakilala niya sa bayan. May tagong kapilyuhan ang ama mo.” 24 Napangiti si Danding. “Ang dalaga po bang iyan ang naging sanhi ng pagkakaluwas niya sa Maynila?” 25 “Oo,” natigilan si Lolo Tasyo na tila nalalasap sa alaala ang mga nangyari. “Nahuli sila sa tabi ng isang mandala30 ng palay.” 26 “Nahuli po?” ______________________________________________________________ 28 pitak—bawathatinglupangnaliligid ngpilapil;bawathati ngtubigan 29 huramentado—sinumangnadidiliman angisip atgusto langpumatay nang pumatay 30 mandala—malaki at mataas na bunton ng gapas na katawan ng palay na may uhay pa

61 27 “Oo – sa liwanag ng ilang aandap-andap na bituin.” 28 Marami pang ibig itanong si Danding, ngunit naalala niya ang patay at ang mga tao sa bahay; baka hinahanap na siya. Unti-unting pinutol niya ang pag-uusap nila ni Lolo Tasyo, at iniwan ang matanda sa mga alaala nito. 29 “ Ano ang pinanood mo sa bukid?” ang usisang biro ng isa sa mga bagong tuklas niyang pinsan. 30 “Ang araw,” ang tugon ni Danding, sabay pikit ng mga mata niyang naninibago at hindi halos makakita sa agaw-dilim na tila nakalambong sa bahay. 31 Ang libingan ay nasa gilid ng simbahan, bagay na nagpapagunita kay Danding ng sumpa ng Diyos kay Adan sa mga anak nito, at ng malungkot at batbat-sakit31 na pagkakawalay nila, na kamatayan lamang ang lubusang magwawakas. Nagunita niya na sa maliit na bakurang ito ng mga patay na nakahimlay ang alabok ng kanyang ninuno, ang abang labi ng Katipunan, ng mga pag-asa, pag- ibig, lumbay at ligaya, ng palalong mga pangarap at mga pagkabigo na siyang pamana sa kanya ng kanyang angkan. Magaan ang pagyapak ni Danding sa malambot na lupa, at sinikap niyang huwag masaling maging ang pinakamaliit na halaman. 32 Handa na ang hukay. Wala nang nalalabi kundi ang paghulog at pagtatabon sa kabaong. Ngunit ng huling sandali ay binuksang muli ang takip sa tapat ng mukha ng bangkay, upang ito’y minsan pang masulyapan ng mga naulila. Nabasag ang katahimikan at naghari ang impit na mga hikbi at ang mga piping panangis na higit na makadurogpuso kaysa maingay. Nabasag ang katahimikan at naghari ang impit na mga hikbi at ang mga pag-iyak. Pinagtiim32 ni Danding ang kanyang mga bagang, ngunit sa kabila ng kanyang pagtitimpi ay naramdaman niyang nangingilid ang luha sa kanyang mga mata. 33 Sandaling nag-ulap ang lahat ng kanyang paningin. Nilunod ang kanyang puso ng matinding dalamhati at ng malabong pakiramdam na siya man ay dumaranas ng isang uri ng kamatayan. Balisa at nagsisikip ang dibdib ng damdaming ito, si Danding ay dahan-dahang lumayo at nagpaunang bumalik sa bahay. 34 Ibig niyang mapag-isa kaya’t nang makita niyang may taong naiwan sa bahay ay patalilis siyang nagtungo sa bukid. Lumulubog na ang araw, at nagsisimula nang lumamig ang hangin. Ang abuhing kamay ng takipsilim ay nakaamba na sa himpapawid. Tumigil si Danding sa tabi ng pulutong ng mga kawayan at pinahid ang pawis sa kanyang mukha at liig. ______________________________________________________________ 31 batbat-sakit—puno ngsakit 32 tiim—pagtutuong mariin ng ngiping itaas at ibaba sa pagtitimpi ng galit o sama ng loob

62 35 Ang kapayapaan ng bukid ay tila kamay ng isang inang humahaplos sa nag-iinit na noo ni Danding. Huminga siya nang malalim, umupo sa lupa, at ipinikit ang mga mata. Dahan-dahang inunat niya ang kanyang mga paa, itinukod sa lupa ang mga palad; tumingala at binayaang maglaro sa ligalíg33 niyang mukha ang banayad na hangin. 36 Kay lamig at kay bango ng hanging iyon. Unti-unti siyang pinanawan ng lumbay at agam-agam, at natiwasay ang pagod niyang katawan. Sa kapirasong lupang ito, na siyang sinilangan ng ama niya, ay napanatag ang kanyang puso. 37 Palakas nang palakas ang hangin, na nagtataglay ng amoy ng lupa at kay bango ng nakamandalang palay! Naalala ni Danding ang mga kuwento ni Lolo Tasyo tungkol sa kanyang ama, at siya’y napangiti nang lihim. Ang pagsasaranggola sa bukid, ang pagkahulog sa kalabaw, dalaga sa bunton ng palay, ang lahat ay nananariwa sa kanyang gunita. Tumawa nang marahan si Danding at pinag-igi pang lalo ang pagkakasalampak niya sa lupa. Tila isang punong kababaon doon ang mga ugat, siya’y nakaramdam ng pagkakaugnay sa bukid na minsa’y nadilig ng mga luha at umalingawngaw sa mga halakhak ng kanyang ama. 38 Sa sandaling iyon ay tila hawak ni Danding sa palad ang lihim ng tinatawag na pag-ibig sa lupang tinubuan. Nauunawaan niya kung bakit ang pagkakatapon sa ibang bansa ay napakabigat na parusa, at kung bakit ang mga nawawalay na anak ay sumasalunga sa bagyo at baha mauwi lamang sa Ina ng Bayan. Kung bakit walang atubiling naghain ng dugo sina Rizal at Bonifacio. 39 Sa kabila ng mga magigiting na pangungusap ng pambihirang mga pagmamalasakit, at ng kamatayan ng mga bayani ay nasulyapan ni Danding ang kapirasong lupa, na kinatitirikan ng kanilang mga tahanan, kinabubuhayan ng kanilang mga kamag-anak, kasalo sa kanilang mga lihim at nagtatago na pamana ng kanilang mga angkan. Muli siyang napangiti. 40 Sa dako ng bahay ay nakarinig siya ng mga tinig, at nauulinigan niyang tinatawag ang kanyang pangalan. Dahan-dahan siyang tumayo. Gabi na, kagat na ang dilim sa lahat ng dako. Walang buwan at may kadiliman ang langit. Ngunit nababanaagan pa niya ang dulo ng mga kawayang nakapanood ng paglikha ng unang tula ng kanyang ama, at ang ilang aandap-andap na bituing saksi ng unang pag-ibig nito. ______________________________________________________________ 33 ligalig—di-mapakali; naguguluhan

63 Pagpapayaman Talakayan 1. Saan mula at saan patungo ang tren sa simula ng kuwento? 2. Ilarawan si Danding—ilang taon na siya? Anong klase siyang tao? Ano ang importante sa kaniya? Magbigay ng mga patunay mula sa kuwento. 3. Alin ang mga detalyeng tungkol sa Lupang Tinubuan bilang pinagugatan ng pamilya ni Danding? 4. Alin ang mga detalyeng tungkol sa Lupang Tinubuan bilang bayang ipinaglaban ng mga bayani? 5. Paano nagkaisa ang dalawang kahulugang ito ng Lupang Tinubuan? Pansinin ang talata 31. 6. Ano ang sinasabi ng kuwento tungkol sa pagmamahal sa bayan? Kompletuhin ang pangungusap na ito: “Ayon sa kuwento, mahalaga ang Lupang Tinubuan dahil...” 7. “Mabuti na lamang at likas na sarat ang ilong ko.” (talata 9) Ano pa ang kahulugan ng hirit na ito kung titingnan ang mensahe ng kuwento? 8. “Tila isang punong kababaon doon ang mga ugat, siya’y nakaramdam ng pagkakaugnay sa bukid na minsa’y nadilig ng mga luha at umalingawngaw sa mga halakhak ng kaniyang ama.” (talata 37) Bakit makasining ang pangungusap na ito? Anong larawan ang binubuo at ano ang ipinakikita nito tungkol sa relasyon ni Danding sa Lupang Tinubuan ng kaniyang ama? 9. Basahing muli ang talata 29-30. Bakit “araw” raw ang tinitingnan ni Danding? Ano ang ibig sabihin nito? May kaugnayan ba ito sa mga “bituin” sa talata 27? 10. Basahin nang malakas ang talata 15-27. Paano dapat bigkasin ang “Nasaksihan!” sa talata 21—sigurado? sarkastiko? nakukulangan sa salita? 11. Inilarawan ang tunog ng tren bilang “pintig ng pusong wala nang alinlangan” (talata 5). Angkop ba ang paglalarawang ito sa mensahe ng kuwento? Bakit? 12. Balikan ang talata 35. Bakit angkop ang paglalarawan sa kapayapaan ng bukid dito? 13. Ano ang paborito mong bahagi at bakit? 14. May karanasan ka bang katulad ng kay Danding? Ano ang naiisip mo ngayon tungkol sa Pilipinas at sa sarili mong pinag-ugatan dahil sa kuwento?

64 Tula Nagpatuloy noong Panahon ng Hapon ang tulang: 1. matalinghaga; 2. makabayan; at 3. sumusunod sa tradisyonal at modernong anyo. Ang sumusunod ay tulang lumabas sa Liwayway noong 22 Enero 1944. Isinulat ito ng isa sa grupo ng mga manunulat na nagpauso ng malayang taludturan (free verse) sa Pilipinas. Nailalathala rin ang kaniyang mga maikling kuwento sa mga kalipunan na Mga Piling Katha (1948) at Maiikling Katha ng 20 Pangunahing Awtor (1962). Gabay sa Pagbabasa: 1. Maikli lang ang tula, kaya mahalaga ang bawat salita. Namnamin ang mga ito. 2. May kakaiba rin sa porma nito. 3. Ano ang damdamin/mensaheng binubuo ng mga salita at ng porma? Panitikan Tahimik Gonzalo K. Flores (1944) tinitigan ng palabàng34 buwan ang kuwago sa kalansay na kamay ng punong kapok35 Pagnamnam sa Akda: 1. Ano ang larawang nililikha ng tula? Idrowing. 2. Ano ang pakiramdam na nililikha ng tula? Anong mga salita ang lumikha nito? 3. Ano ang kapansin-pansin sa porma ng tula? Ano ang naidagdag nito sa mensahe at pakiramdam ng tula? 4. Bakit gabi ang nakalarawan sa tula? Bakit masasabing “gabi” rin sa Pilipinas noong panahong iyon? ______________________________________________________________ 34 palábà—mabilogna liwanagna nasa paligid ngbuwan 35 kapok—bulak

65 5. Ano ang literal na inilalarawan ng “kalansay na kamay?” Bakit angkop din ang salitang “kalansay” para sa Panahon ng Hapon? 6. Anong klaseng buwan ang tinutukoy ng salitang “palaba?” Ano ang sinisimbolo ng ganitong klaseng buwan? 7. Puwede ring isipin na ang salitang-ugat ng “palabang” ay “palaban.” Sinadya kaya ito ng may-akda? Nakatutulong ba sa tula ang posibleng dalawang kahulugan ng salitang ito? 8. Noong Panahon ng Amerikano, isa sa pinakakilalang tawag sa mgan mananakop ang “aves de rapiña” o ibong mandaragit (Agoncillo 1977, 298). May kaugnayan kaya ito sa tula? Ipaliwanag ang simbolismong ito kung Panahong Hapon ang pinag-uusapan. 9. Nagutom ang mga Pilipino noong panahon ng Hapon. Isa sa mga dahilan ay bulak ang tinanim sa mga dating palayan. Mas kailangan daw ito ng mga Hapong nakikipaggiyera (Agoncillo 1977, 459). May kaugnayan kaya ito sa tula? 10. Buwan ang nakatitig sa kuwago, hindi ang mga hayop na dinadagit ng ibon. Paanong masasabi na panahon ang humahatol sa sitwasyon ng Pilipinas noong Panahong Hapon? Paano naging pagbabadya ng mangyayari noong 1945 ang tulang ito na isinulat isang taon bago noon? 11. Sa kasalukuyan, sino ang kuwago, saan ito nakaupo, at ano ang buwan? Ilang Halimbawa ng Haiku Noong panahong ito, itinakdang ituro at dakilain ang kultura at wikang Hapon sa Pilipinas. Bilang epekto nito, nauso rin ang pagsusulat ng haiku—isang tradisyonal na pormang tula sa bansang Hapon. Ang haiku ay isang uri ng tulang Hapon na (sa simpleng pakahulugan ay): 1. may 3 linya; 2. 5 pantig ang una at ikatlong linya, samantalang 7 pantig naman ang pangalawa; at 3. may larawang mula sa kalikasan. Isa sa mga pinakakilalang halimbawa ay mula kay Matsuo Basho (1686): furu ike ya kawazu tobikomu mizu no oto old pond . . . a frog leaps in water’s sound (salin ni Higginson 2003)

66 Matandang batis: may palakang tumalon-- tunog ng tubig. Pansinin naman ang mga halimbawa mula kay Gonzalo K. Flores mula sa edisyong Hunyo 1943 ng Liwayway: Anyaya Ulilang damo sa tahimik na ilog. Halika, sinta. Talakayan 1. Ano ang sukat ng tula? 2. May tugma ba? 3. Sino ang nagsasalita at sino ang kinakausap? 4. Ano ang kaibahan nito sa berso ni Basho? 5. Ano ang damdamin ng tula? Anong mga salita ang nagpakita nito sa iyo? 6. Kailangan ba ang pamagat o hindi? Bakit? Tutubi Hila mo’y tabak ... ang bulaklak nanginig sa paglapit mo. Talakayan 1. Nasunod ba ang sukat ng haiku? 2. Sino ang nagsasalita at sino ang kinakausap? 3. Ano ang damdamin ng tula? Anong mga salita ang nagpakita nito sa iyo? 4. Kailangan ba ang pamagat o hindi? Bakit? 5. Bukod sa insekto, may iba pa kayang posibleng paksa ang tula? Ano? At ano ang bagong kahulugang nabubuo dahil sa bagong interpretasyon? 6. Ano ang epekto ng haiku dahil sa ikli nito kung ihahambing sa mas mahahabang tula?

67 PANGWAKAS NA PAGTATAYA Proyekto at Awtentikong Pagtataya sa Panitikan sa Panahon ng Amerikano 1. Mag-isip ka ng mga kuwento/sitwasyon/larawan ng pag-ibig. Alin sa mga ito ang posibleng may sinasabi tungkol sa bayan? Hal. Natalo ko na ang karibal ko sa iyo. Akala ko akin ka na. Iyon pala gusto mo lang akong gamitin para sa sarili mong hangarin. 2. Puwede rin ang kabaliktaran. Mag-isip ka ng sitwasyon ng bayan. Paano ito katulad ng isang kuwento ng pag-ibig? Hal. Ipinaglaban ng mga Pilipino na magkaroon sila ng sariling gobyerno. Naging malaya na tayong mamahala sa sarili. Pero ang gobyernong Pilipino mismo ang nanloloko sa taumbayan. 3. Gumawa ng maikling tula tungkol dito. Malaya kang gumamit ng anumang porma. Maaaring may sukat at tugma tulad ng tradisyonal na tula at awit. Maaari ding malayang taludturan tulad ng modernistang tula. Halimbawang tradisyonal: Mga kamay ko, marumi’t duguan, Anong tagal kitang ipinaglalaban, Ngunit nang akalang ika’y akin lamang, Hangad mo lang pala’y aking kayamanan. Halimbawang Modernista: Noong nasa Malate ka pa, inagaw kita sa kanila. Hindi ka na babalik, nangako ka, ako lang ang lagi mong kasama. Pero bakit halik mo, katumbas ng pera? Sa regalo ka lang lumiligaya? Hanggang ngayon ba isa ka pa ring kalapating mababa ang lipad? 4. Puwedeng bigkasin sa klase ang naisulat. Puwede ring ilagay sa isang blog. Puwede ring idaan sa maraming pagpapakinis—sa tulong ng kaklase, sa tulong ng guro, sa tulong ng grupo ng mga editor.

68 Proyekto at Awtentikong Pagtataya sa Panitikan sa Panahon ng Hapon Parehong tungkol sa kalikasan ang mga haiku at ang kuwentong binasa mo. Nakita mo rin kung paanong may simpleng paglalarawan at mayroon ding paglalarawan na may ibang kahulugan. Mag-isip ng isang larawan mula sa kalikasan sa paligid mo o isang eksena sa probinsiya ng pamilya mo, isang larawang may sinasabi tungkol sa bayang Pilipinas at ilagay ito sa pormang haiku.

69 Puwedeng may pamagat, pero mas magaling ang wala at buo pa rin. Halimbawa: 1 Sa Katipunan sa gilid ng bangketa— tumubong damo. 2 Alay kong rosas... mula pa sa halamang bigay ni nanay. 3 Cellphone—nahulog. Walang signal sa bundok. Puso’y tumibok. Ano ang larawan sa mga halimbawa? Ano ang posibleng sinasabi ng mga ito tungkol sa bansa? Puwede mong gamitin ang gabay na ito: Maaaring kolektahin sa isang kalipunan ang mga tula ng klase (parang sarili ninyong Liwayway). Maaari ding samahan pa ng drowing o letrato. Maaari rin namang gawing poster at ilagay sa paligid ng klase, sa paaralan, sa Facebook, o sa Instagram.

70

Add a comment

Comments

Canada Goose Outlet | 01/01/15
Do not report comments as abusive simply because you disagree with them. Report them only if they violate these guidelines. Canada Goose Outlet http://www.agglo-saumur.fr/GooseCanadaVente.cfm
Bernache du Canada | 01/01/15
Do not report comments as abusive simply because you disagree with them. Report them only if they violate these guidelines. Bernache du Canada http://www.agglo-saumur.fr/GooseCanadaVente.cfm

Related presentations

Rapport Bale III - le texte en français - Comité de Bâle sur le contrôle bancaire

La economía española tiene problemas de 1. productividad del trabajo y 2. de aprov...

El presente trabajo realizará un análisis comparativo del sector de bienes de equi...

- Η προβληματική κατάσταση της ευρωζώνης - ABS -αγορά “τιτλοποιημένων απαιτήσεων...

This presentation gives a short and simple description of the Ponzi Scheme and the...

Neste artigo, analisa-se a estratégia política econômica adotada pelo novo gove...

Related pages

Panitikan - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Sa pinakapayak na paglalarawan, ang panitikan o panulatan ay ang pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula na nag-uugnay sa isang tao. Subalit upang ...
Read more

panitikan.com.ph

The DLSU Bienvenido N. Santos Creative Writing Center (BNSCWC) would like to invite parents to register their children for the Young Writers Workshop.
Read more

panitikan.com.ph

Mananatiling pagtatangka ang pagtatangka ng isang manunulat na makapag-ambag sa panitikan kung walang pag-aalay sa kanyang kaligiran, sabihin pa, sa ...
Read more

Panitikan sa Pilipinas - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Panitikan sa Pilipinas ay pangunahing tumutukoy sa umiiral, umuunlad, at namamayaning uri at anyo ng katutubong panitikan sa bansang Pilipinas.
Read more

PANITIKAN - Scribd - Read books, audiobooks, and more

KAHULUGAN NG PANITIKAN: • Ang panitikan ay nagsasalaysay ng buhay, pamumuhay, lipunan, pamahalaan, relihiyon at mga karanasang nakukulayan ng iba’t ...
Read more

panitikan.com.ph

panitikan.com.ph is arguably the most successful online project in the Philippine literary scene. Created in 2005 by poet Vim Nadera and administered by...
Read more

Panitikan ng Pilipinas - Welcome to Open Library (Open ...

Panitikan ng Pilipinas by José Villa Panganiban, 1992,Bede's Pub. House edition, in Tagalog - Bagong ed.
Read more

Panitikan: Pantikang Filipino

Panitikang Filipino sa Iba’t ibang Panahon At Retorika Panahon ng Katutubo Bago pa man dumating ang mga Kastila sa Pilipinas, mayroon nang sining at ...
Read more