Pangkalahatang Repleksyon sa El Filibusterismo

50 %
50 %
Information about Pangkalahatang Repleksyon sa El Filibusterismo
Education

Published on March 7, 2014

Author: Naj_Jandy

Source: slideshare.net

Description

Overall reflection for our study in Jose Rizal's El Filibusterismo. Reporting is really a lounge for HS students..

Anajean Jandayan IV-Socrates Pitong araw na lamang at tuluyan na kaming magpapaalam sa high school. Hindi pa man sumasapit ang araw ng aming pagtatapos, batid naming lahat ang kasabikan at kalungkutan--- kalungkutan sapagkat madalang na lamang naming masisilayan ang mga kamagaral na nagging kaniig-niig sa pag-aaral. Marami rin akong natutunan sa asignaturang ito. Sadyang mahalaga ang pagbibigay pansin nito. Ito ang kaluluwa ng bansa at matatag na sandigan sa pakikipagkomunikasyon. Sa tulong ng aignaturang ito, natugunan ang pangangailangan naming mga mag-aaral na malinang ang kakayahan sa paggamit ng wikang Filipino. Gamit ang iba’t ibang estratehiya, napaunlad ang aming kaisipan at kakayahan sa pakikipagtalastasan gamit ang wikang Filipino. Binigyang-pokus din sa masigasig na pag-aaral ang istrukturang gramatikal sa Filipino. Bahagi ng paghutok sa aming kaisipan upang matuto ang pag-aaral ng panitikan. Hindi maitatangging mahalaga rin ang panitikan at gayundin ang pag-aaral nito sapagkat ito ang tanda ng ating pagkatao, ang sumasalamin sa mga naiambag ng mga makata nating manunulat sa ating kasaysayan at kabihasnan. Subalit kapansin-pansin na iilan na lamang sa mga kababayan natin ngayon ang nagbibigay importansiya at pagtangkilik sa kinagisnang panitikan upang ito ay ‘di mahimlay o tuluyang mamatay. Ito ang suliraning nagsilang sa nobela ni Gat Jose Rizal na El Filibusterismo. Bawat isa sa amin ay binigyan ng kaukulung kabanata na tatalakayin sa klase. Makapal man ang aklat naming ito, naging isang masayang karanasan pa rin ang pag-aaral naming nito. Bukod kasi sa isinisiwalat ng kathang ito ang pagmamalupit ng mga kastila sa ating bansa, may mga bahagi rin ng kwento ang nagtataglay ng mga pangyayaring katawa-tawa. Mayroon rin itong mga ginintuang aral na aming naiuugnay sa iba’t ibang disiplina upang mabigyang halaga ang pagpapahalagang pangkatauhan at iba pang aspeto ng edukasyon. Ang bawat oras na inilaan sa asignaturang ito ay nagsilbing pagkakataon upang mapag-aralan, mapahalagahan, at mapagpayaman namin ang kasanayan sa ating wika at maisalin ang kasanayang ito sa isang makabuluhang gawain na may masigasig na kamalayan, diwa, at pagpapahalagang Pilipino. Sa maraming araw naming pag-aaral ng Filipino, hindi lamang mga pang-akademikong kaalaman ang naidagdag sa aming kaisipan, nahubog rin ang aming pagkatao upang mabuhay ng may prinsipyo at pagmamahal sa kung anumang nag-ugat dito sa ating tinubuang lupa.

Add a comment

Related presentations

Related pages

Pangkalahatang Repleksyon sa El Filibusterismo - HubSlide

Overall reflection for our study in Jose Rizal's El Filibusterismo. Reporting is really a lounge for HS students..
Read more

Pangkalahatang Repleksyon sa El Filibusterismo - Education

Overall reflection for our study in Jose Rizal's El Filibusterismo. Reporting is really a lounge for HS students..
Read more

El Filibusterismo Buod: Buod ng el filibusterismo 1-10

Thanks po kuya sa Mga Buod ng El Filibusterismo nakakatulong po talga ito sa akin kabanata 2 pa nga ako : ...
Read more

El Filibusterismo In Tagalog Repleksyon Free Essays

"El Filibusterismo In Tagalog Repleksyon" Essays and ... EL FILIBUSTERISMO El ... dalawang nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Sa Noli ...
Read more

El FilibusterismoDeciphered -kab07 - Scribd

Sa isang bahagi ng Junto Al Pasig ay ... magiging pangkalahatang wika ... Sa panahon na sinusulat ni Rizal ang El Filibusterismo ay ramdam na niya ...
Read more

Simbolismo sa kabanata 1 sa el filibusterismo - Documents

Suring Basa sa El Filibusterismo Suring Basa sa Nobelang EL FILIBUSTERISMO Ipinasa ni: ... Pangkalahatang Repleksyon sa El Filibusterismo
Read more

El Filibusterismo - Scribd

... karahasan at karuwagan sa akdang El Filibusterismo sa panibagong katauhan ni Crisostomo Ibarra bilang Simuonisang Amerikanong hilaw na mag-aalahas.
Read more

Jose Rizal [El Filibusterismo]

El Filibusterismo: The word "filibustero" wrote Rizal to his friend, Ferdinand Blumentritt, is very little known in the Philippines. The masses do not know ...
Read more