Pagsisikap para umunlad

50 %
50 %
Information about Pagsisikap para umunlad
Education

Published on March 5, 2014

Author: maricelerfelo3

Source: slideshare.net

Description

A.P. Project

Pagsisikap para Umunlad Inihanda nina: John Renzo E. Erfelo At Kurt Russel F. Mabborang

Pamahalaang Ramos  Sa kampanya noong halalan ng taong 1992, naghain si Fidel V. Ramos ng plataporma tungo sa maunlad na kabuhayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng higit na kapangyarihan sa mga mamayanan.  Nanumpa sa Quirino Grandstand sa Luneta ang itinuturing na panlabindalawang Pangulo ng Pilipinas na si Fidel Valdez Ramos, noong Hulyo 30, 1992.

Pang. Fidel V. Ramos

Ang Pag-unlad ng Bansa  Ang pangunahing programa ng pamahalaan ni Pangulo Ramos ay ang umunlad ang ekonomiya ng bansa.  Upang maging isang Newly industrialized Country o NIC ang Pilipinas, itinaguyod niya ang proyektong Philippines 2000.  Hinikayat nya ang mga dayuhan mamuhunan sa Pilipinas upang magkaroon ng malayang pakikipagkalakalan sa buong mundo.

Ang Pag-unlad ng Bansa  Ipinagpatuloy ni Ramos ang Asset Privatization Trust para ang mga kompanyang nasa pamamalakad ng gobyerno ay mabili ng mga pribadong mangangalakal para makalikom ng pondo ang pamahalaan.

Ang Katahimikan ng Bansa  Nakipagkasundo ang Pamahalaang Ramos sa mga rebeldeng Muslim.  Itinatag niya ang Special Zone of Peace and Development (SZOPAD) na kinabilangan ng ilang lalawigan sa Mindanao.  Itinatag din niya ang Southern Philiphines Council for Peace and Development (SPCPD) na pinamunuan ni Nur Misuari, ang pinuno ng Moro Nationa Liberation Front (MNLF).

Ang Katahimikan ng Bansa  Siya ay lumagda sa kasunduang kapayapaan noong Setyembre 2, 1996.  Nagkaroon ng mapayapang eleksiyon sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) na kinabibilang ng Lanao del Sur, Maguindanao, Sulu, at Tawi-Tawi.

Mga suliranin na kinahirap ni Pangulo Ramos 1. Dahil sa pag-alis ng kontrol sa presyo ng langis, tumaas ang presyo ng mga bilihin. 2. Nagkaroon ng malawakang pangongolekta ng mas mataas na buwis dahil sa pagpapairal ng Expanded-VAT na kanainisan ng maraming tao. 3. Marami ang katiwaliang naganap, tulad ng nawawalang mga pondo ng gobyerno, na tinawag na pork barrel.

Mga suliranin na kinahirap ni Pangulo Ramos 3. Ito ay pinaghihinnalaang napupunta sa bulsa ng mga kawani ng gobyerno, sa halip na magamit sa proyekto para sa pangangailangan ng mga mamayanan. 4. Umangat ang kaunlaran ng bansa ngunit ang dating mayaman lamang ang lalong yumaman at ang mahihirap ay hindi gaanong natutulungan.

Mga suliranin na kinahirap ni Pangulo Ramos 5. Maraming lupang pansakahan ang ginawang mga subdibisyon na tinayuan ng condominium o townhouses, golf courses at resorts para sa mayayaman. Ito ang naging sanhi ng pagbaba ng agrikultura sa bansa. 6. Tumaas ang kriminalidad tulad ng paggamit ng ipinagbabawal na gamot o drugs, carnapping, panggagahasa at pagpatay, panghoholdap samga barko, pagnanakaw at kidnap for ransom.

Mga suliranin na kinahirap ni Pangulo Ramos 6. Pinaninwalaang sangkot dito ang mga dating pulis at sundalo.

Pamahalaang Estrada  Umaga ng Hunyo 13, 1998 nang maupa sa tungkulin si Joseph Ejercito Estrada (kilala bilang Erap Estrada) sa Simbahan ng Barasoain, Malolos, Bulacan.  Siya ay nanumpa bilang ikalabintatlon Pangulo ng Pilipinas.  Sa araw ring iyon nanumpa sa tungkulin bilang Pangalawang Pangulo si Gloria MacapagalArroyo, anak ng dating Pangulong Diosdado Macapagal.

Pangulo Joseph Ejercito Estrada

Programang Pangkabuhayan  Ipinangako ni Panguo Joseph Ejercito Estrada sa kanyang hahanguin ang mamayanan sa kahirapan at aalisn ang katiwalaan sa pamahalaan o ang milyon-milyong pisong napupunta sa bulsa mng mga kawani ng gobyerno.

Programang Pangkabuhayan  Ipinagpatuloy nya ang mga programa ng Pangulong Aquino at Pangulong Ramos sa Trade Liberalization o ang pagbibigay ng kaluwagan at pag-aalis sa mga kontrol at malaking buwis na ipinapataw ng pamahalaan sa mga ipinapasok na kalakal sa bansa.  Ipinagpatuloy niya n Estrada ang Asset Privazitation Trust na nasimulan noong mga nakaraang administrasyon na kung saan ang mga kompanyang nasa pamamalakad ng

Programang Pangkabuhayan gobyerno ay ipinagbili sa mga pribadong mangangalakal upang makaipon ng pera para sa pangangailangan ng bansa.

Ang Pakikipag-ugnayang Panlabas  Ang pakikipagkalakalan sa ibang bansa ay pinag-ibayo ni Pangulo Estrada.  Nakipagkalakalan ang mga Pilipino sa buong mundo.  Hinikayat niya ang mga dayuhan na maglagak ng pamunuhan sa Pilpinas.  Dumalo siya sa mga pagpupulong ng AsiaPacific Economic Cooperation (APEC) at bumisita sa ibang bansa.

Mga Hadlang sa Pag-unlad ng Bansa  Sa pamumuno ni Pangulo Estrada, binigyan ng prayoridad ng pamahalaan ang ekonomiya ng bansa ngunit marami ang naging hadlang sa kanyang mga programang pangkabuhayan. 1. Malaking pagkakautang ng Pilipinas sa iba’t – ibang bansa na umabot sa $45 bilyon. 2. Mga kalamidad na bumisita sa ating bansa. Ang El Nino na nagdulot ng matinding tagtuyot sa maraming bahagi ng bansa noong 1998 na sumira sa may mahigit sa isang

Mga Hadlang sa Pag-unlad ng Bansa milyong ektarya ng lupang sakahan. Ang mga matitinding bagyong dala ng La Nina ay kumitil sa buhay ng maraming tao at sumira sa bilyonbilyong ari-arian sa Mindanao. 3. Ang pagbagsak ng ekonomiya sa Asia ay nagdulot ng pagbaba sa halaga ng piso. Ang halaga ng $1 ay humigit-kumulang sa Php. 40.00. Naging mataas din ang interes ng mga pautang sa bangko.

Mga Hadlang sa Pag-unlad ng Bansa 4. Ang pagtaas ng presyo ng gasolina at mga bilihan dahil sa pagbaba ng halaga ng piso. 5. Ang pagsasara ng maraming pabrika, bangko, at sari-saring kompanya dahil sa kakulangan sa pondo. 6. Ang kaguluhan sa Mindanao na dulot ng Abu Sayyaf na kumidnap ng mga inosenteng mamamayan at dayuhan.

Mga Hadlang sa Pag-unlad ng Bansa 7. Ang patuoy na kriminalidad,kidnapping,at pagkalat ng ipnagbabawal na gamot. 8. Ang mga malawakang katiwalian sa pamahalaan at malaking kakulangan sa pondo nito. 9. Kawalan ng tiwala ng mga lokal at dayuhang negosyante sa ekonomiya.

Ang Impeachment Laban kay Pangulong Estrada  Ang impeachment ay isang prosesong konstitusyonal na makapagpapaalis sa tungkulin sa isang pinuno ng pamahalaan,tulad ng Pangulo, Pangalawang-Pangulo, at mga Mahistrado ng Korte Suprema, bago matapos ang panahon ng kanilang panunungkulan.

Ang Impeachment Laban kay Pangulong Estrada  Maaari silang tanggalin sa posisyon kung ginawa nila ang: 1. Paglabag sa Saligang Batas, 2. Pagtataksil sa bansa, 3. Panunuhol, 4. Pandaraya, 5. Pagsira ng tiwala ng bayan at, 6. Iba pang malubhang krimen.

Ang Impeachment Laban kay Pangulong Estrada  Sa reklamo ni Gobernador Chavit Singson,inakusahan si Pangulong Estrada na sangkot sa ilegal nasugal na jueteng  Naharap si Estrada sa impeachment.  Nagkaroon ng paglilitis at pinalabas sa telebisyon,ngunit hindi naibigyan ng taong-bayan ang naging proseso.

Ang People Power II  Noong gabi ng Enero 16,2001,nagtawagan ang mga mamamayan sa pamamagitan ng cell phone at texting na pumunta sa EDSA.  Mahigit isang milyon ang taong dumalo sa rali sa EDSA laban kay Estrada.  Sila ay nagrali nang 4 na araw, hanggang mapaalis si Estrada sa Malacanang

Ang People Power II

Ang Pamahalaang Arroyo  Nanumpa si Besi-Presidente Gloria Macapagal Arroyo bilang bagong Presidente ng Pilipinas noong ika-1:30 ng hapon Enero 20,2001 bago pa man nakaalis si Estrada sa Malacanang.  Ipinagpatuloy niya ang Asset Privatization Trust.

Ang Pamahalaang Arroyo  Ipinagpatuloy niya ang pinairal ni dating Pangulong Aquino at Pangulong Ramos na Trade Liberalization o ang pagbibigaykaluwagan,at pag-aalis sa mga kontrol at malaking buwis na ipinapataw ng pamahalaan sa mga pinapasok na kalakal sa bansa.  Hindi naianagat ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang ekonomiya ng bansa upang mahango ang mga mamamayan sa kahirapan.

Mga Suliraning Hinaharap  Sa ilalim ng Pamahalaang Arroyo,maraming suliranin ang kinaharap ng bansa: 1. Pag taas ng antas ng kriminalidad sa buong bansa. 2. Pagbaba ng halaga ng piso laban sa dolya.Noong Enero 2002,ang halag ng $1ay humigit kumulang sa php 56.00,at mataas din ang interes ng mga pautang sa bangko.

Mga Suliraning Hnaharap 3. Paglala ng pagpupuslit ng mga produkto mula sa ibang bansa (smuggling) 4. Pagtaas ng halaga ng langis,koryente,at mga pangunahing bilihin 5. Paglala ng katiwalian sa pamahalaan 6. Paglubha ng paghihirap ng mga mamamayan.Ang unemployment rate noong 2001 ay 9.8%; noong April 2002,ito ay naging 13.9%; noong Aprl 2003 ito ay naging 12.2%; umala ui ito at naging 13.7% noong April 2004.

Mga Suliraning Hnaharap 7. Paglubo ng husto ng kakulangan sa badyet ng pamahalaan at humigit na sa php 200 bilyon 8. Pag laki ng utang na Pilipinas sa loob at labas ng bansa na umabot na sa php 5.16 trilyon noong Disyembre 2002 ayon sa tala ng Department of Finance, at lalo itong lumak sa pagsuma ng mga karagdagang gastusin ng pamahalaan para sa 2003 hanggang Mayo 2004 dahil sa halalan.

Mga mahihirap

Ang Pamahalaang Demokrasya  Ayon sa Panimula at Artikulo II Seksiyon 1ng Konstitusyong 1987,ang Pilipinas ay isang estadong republika at demokratiko.  Sa isang pamahalaang demokratiko,ang nakararami o majority sa mamamayan ang inaasahang napakapangyayari o nasusunod sa pamamgitan ng pag boto o plebisito.  Ang mamamayan ay may mga karapatan at kalayaan.

Ang Pamahalaang Demokrasya  Maaaring makialam ang mga mamamayan kung paano patatakbuhin ng pinuno ang pamahalaan.  Dahil ang kapangyarihan ay nasa kamay ng mga tao sa ilalim ng demokrasya,ang mga mamamayan ay higit na naging responsable dahil alam nilang ang tagumpay o kabiguan ng pamahalaan ay nakasalalay sa kanila.

Ang Pamahalaang Demokrasya  Hindi kailangan gumamit ng dahas upang magkaroon ng mga pagbabago sa isang demokrasya.  Maaaring makamit ang mga pagbabago sa pamamagitan ng matahimik na halalan o ng mga pasusung sa kostitusyon.

Mga Tanong

Mga Sagot A 1. Makalikom ng pondo para sa pangangailangan ng pamahalaan. 2. Mahikayat ang mga dayuhang maglagak ng puhunan sa Pilipinas. 3. Maging newly industrialized country ang Pilipinas. 4. Magkaroon ng pagkakasundo ang pamahalaan at mga rebeldeng Muslim. 5. Masugpo ang malawakang katiwalian sa pamahalaan. B A. Paglulunsad ng Philiphines 2000 B. Pagtatag ng Special Zone of Peace and Development C. Pagbisita sa iba’t-ibang bansa D. Pagsasapribado ng mga kompanyang nasa pamamahala ng gobyerno E. Pagdalo sa mga pulong ng APEC F. Pag-alis ng pork barrel

Mga Tanong 1. Makalikom ng pondo para sa pangangailangan ng pamahalaan. Sagot: D. Pagsasapribado ng mga kumpanyang nasa pamamahala ng gobyerno. 2. Mahikayat ang mga dayuhang maglagak ng puhunan sa Pilipinas. Sagot: E. Pagdalo sa mga pulong ng APEC. 3. Maging newly industrialized country ang Pilipinas Sagot: A. Paglulunsad ng Philippines 2000. 4. Magkaroon ng pagkakasundo ang pamahalaan at mga rebeldeng Muslim. Sagot: B. Pagtatag ng Special Zone of Peace and Development. 5. Masugpo ang malawakang katiwalian sa pamahalaan. Sagot: F. Pag-alis ng pork barrel.

Maraming Salamat Po

Add a comment

Related presentations

Related pages

Dubai-Al Ain Road - Dubai, United Arab Emirates ...

Sign up for Facebook today to discover local businesses near you. Sign Up. Dubai-Al Ain Road
Read more

Mga Turo ng Mga Pangulo ng Simbahan: Joseph F. Smith ...

Masigasig na hanapin natin ang katotohanan at magsumikap na matuto at umunlad araw-araw. ... “Para sa mga Banal sa mga Huling Araw, ang kaligtasan, ...
Read more

Steve Tamayo: Nasa pagsisikap ang pag-unlad | News | GMA ...

... Nasa pagsisikap ang pag ... Air na siyang nagbigay sa kanyang ng pagkakataon na umunlad. ... ako sa OFWs na magsikap para hindi habang ...
Read more

Mga Pagsisikap na Wakasan ang Kahirapan — Watchtower ...

Mga Pagsisikap na Wakasan ang Kahirapan. NAWAKASAN na ng mayayaman ang kanilang kahirapan. ... Kasaganaan Para sa Lahat? Noong ika-19 na siglo, ...
Read more

Sitti Nurhaliza: Ginintuang Tinig at Puso ng Asya

Ang mga natanggap niyang karangalan ay galling sa kanyang sariling pagsisikap. Para sakin, umunlad siya hindi lamang dahil sa kanyang talento kundi pati ...
Read more

Panitikan Ng Mga Umuunlad Na Bansa - Scribd - Read ...

... hindi na naging madali ang buhay para ... Dahil sa pagsisikap, ... Iyan ang isang bagay na kailangan pang hasain nating mga Pilipino upang umunlad ang ...
Read more

Swerte, Lotto at ang Gubyerno | Kaututang-Dila

Mas naniniwala ako sa halaga ng pagsisikap at pagpupunyagi para makaungos at umunlad. Pero kapag pumapalo ng 100M ang jackpot sa Lotto, nagbabago ang lahat.
Read more

Ang Lipunan at Sistema ng Edukasyon sa Pilipinas

dudumilat ang mga kasalukuyang datos at statistics na nagpapakita ng mulat na pagsisikap ng ... Ang paghahangad para sa pagkakaroon ng alternatibong ...
Read more

pjcamtomasino: MGA TAONG NAKARANAS NG HIRAP SA BUHAY ...

Hindi mahirap para sa isang magnenegosyo ang laki o liit ng kapital. Bagkus, nasa determinasyon ito at pagsisikap na mapaunlad ang negosyo.
Read more